Preno

IMG_8270.JPG

Ako yung tipo ng babae na takot masugatan

Ayokong nakakakita ng dugo o ng kahit anong galos

Ako yung tipo na wag na lang kesa masaktan pa

 

Pero nagbago ang lahat ng makilala kita

Ikaw ang unang tao na nagturo sakin mag bisikleta

At paulet ulet akong nahulog

At paulet ulet mo akong sinalo

Kaya natutunan ko ito

 

Natutunan kong balansehin ang sarili ko

Natutunan kong magpaikot ikot

At natutunang kong tumayo sa pagkahulog

Natutunan kong mahalin ka.

 

Sa tuwing yayain mo akong mag bisikleta

Wala ng alinlangan at sasama

Kahit saan, kahit kailan

Dahil alam kong nandiyan ka

Kung sakali mang mahulog o masugatan

 

Alam kong may sasalo

Alam kong may gagabay

At alam kong sayo ay ligtas ako

 

Hindi ko alintana ang daan daang kilometro ng

Lansangan at ang napakahabang oras

Kahit

Ang maliit na pagitan nating dalawa

Masaya ako sa pag pedal

Masaya akong kasama ka

 

Makailang ulet man akong makalanghap ng usok

Igapo ng hapo at pagal

Sa paglalakbay na ito walang ibang mahalaga

Kundi ang oras na magkasama tayong dalawa

 

Walang preno, walang tigil

Nangakong iikutin ang magkabilang sulok ng daigdig

Kahit na paltos na ang mga talampakan

dahil unti unti ng sumisikip ang daan

 

Unti unti ng sumisikip ang daan

Nagkakaron na ng iba’t ibang sasakyan

At bigla ka nalang nawala

Mabilisan

 

Sa takot ay hinanap ka kung saan saan

Bumangga,

Nahulog

Nasugatan.

Nagdugo

Namumulang pisngi
Namumulang labi
At kagaya ng dugo sa katawan
Akoy nagpaikot ikot.
Hanggang sa maubos ang enerhiya
Na baon-baon mula ulo hanggang paa

Hanggang sa madatnan

Naka upo ka sa kabilang kalsada

 

Pagod ka na at
naging kalbaryo sa akin ang panoorin kang manghina
naging matamlay ka at nawalan ng sigla
dahan dahang nawala ang lakas ng iyong katawan
dahan dahang nawala ang ngiti sa iyong mga mukha

 

Tinawag kita

 

Hindi ka man lang lumingon
Hindi ka man lang napatingin

Gusto kitang puntahan,

Pero walang tawiran

At napakadaming trak sa daan

Sunod sunod at walang hintuan

 

Wag na lang kesa masaktan pa

 

Sana ay nagsabe ka

Pagod ka na ba? May preno naman

 

Tinakasan at iniwan

Walang Hanggan-Hanggang?

Pagusapan natin kung paanong nagbabago ang panahon

Kung paanong may panahon ng tagulan,
Panahon ng taginit,
Panahon ng taglamig,
Panahon ng taglagas,
Panahon ng katapusan

Pagusapan natin kung paanong
Ang mga puno ay may mga dahon
At kung paanong may panahon ang mga dahon nito ay malalagas.
Babagsak, mabubulok at magiging basura na lamang

Pagusapan natin ang mainit na tubig
Na nilagyan ng yelo at lumamig
Pagkatapos ang mga yelo ay matutunaw, at babalik sa tubig

Pagusapan natin ang mga ilaw
Kung paanong kailangan natin ng kuryente
Para magkaroon ng sindi
Na dadating yung araw na mawawala ang mga liwanag hindi dahil nawalan ng kuryente
Kundi dahil ito’y napundi

Pagusapan natin ang mga bitwin
Ang kanilang kagandahan sa gabi
Kung paanong masaya mo silang tinititigan habang nagniningning
Kahit alam mong lilipas ang oras na sila’y mawawala at ika’y masisilaw
Dahil sisikat ang araw at matatapos ang gabi

Pagusapan natin ang mga kwento, Pelikula o Libro
Pagusapan natin ang masasaya at paborito mong parte
Ang drama, o yung pahina na nilagyan mo pa ng halang dahil sobrang ganda
Yung page 69 na hindi mo makalimutan dahil doon dumampi ang labi ng gwapong bida sa babaeng bida
Pagusapan natin kung paanong may dulo, gitna at huli
Kung paanong kapag matatapos na ang pelikula mababasa mo na ang mga pangalan na bumuo nito, kadalasan kinaliligtaan mo dahil hindi mo naman kilala
Pagusapan natin kung paanong pagkatapos ng lahat
Mababasa mo ang “wakas” sa huling pahina.

Pagusapan natin ang mga bagay na nagbabago
Kung paanong noon isa ka lamang bata at ngayon may edad na
Kung paanong noon friendster lang ngayon facebook na may snap chat pa
Ang nursery rhyme na six little ducks na naging tatlong bibe
Ang pagtaas ng gasolina
Ang buhok ni lady gaga
Ang bagong modelo ng iphone
Ang pagtangkad
Ang pagtaba
Ang mga tao
Ang pagibig..

Pagusapan natin ang pagibig
Kung paanong noong una naniwala kang wala tong katapusan
Pagusapan natin kung paanong ginamit mo ang salitang “walang hanggan” para patamisin ang mga bilang ng araw
Para maramdaman mo yung iting ng pagkakataon
Na ano mang oras posibleng lumindol
Na magiging sanhi ng katapusan ng mundo
Pagkatapos ang walang hanggan ay magkakaron ng hangganan

Pagusapan natin ang pangako mong “walang hanggan”
Isa sa mga gabi kung saan saksi ang nakadungaw na buwan kasama ng mga bitwin
Kahit alam nilang ilang oras na lamang dadating ang araw
At sila’y mawawala
Hanggang dito nalang, pagkatapos ang walang hanggan ay

Pagusapan natin ang mga binitiwan mong salita
Hanggang katapusan
Hanggang dulo
Hanggang dito…
Hanggang saan ang walang hanggan?

Pagusapan natin ang walang hanggan

Pagusapan natin
Ang sabi mong walang hanggan,
pero eto tayo sa dulo

Tapos,

Pagusapan natin kung paano kita kalilimutan

Lumaya ka 


Sigurado ako na isa o higit sa mga taong nandito ngayon ay mayroong masamang nakaraan

Sa loob ng tatlong daan at anim na put limang araw nung nakaraang taon, minsan mo ding nasabeng “sana hindi nalang ako nabuhay”

Sinisi mo ang langit at lupa

Sinisi mo ang mundo

Sinisi mo ang maliliit na bato sa kalsada

Ang mga agiw sa diding

Sinisi mo ang mabagal na internet ng globe, pldt, o kahit ang mobile data

Sinisi mo ang trapiko

Sinisi mo siya… at

Sinisi mo ang sarili mo

Pero kaibigan, nandito ako para sabihin sayo ngayon, huminga ka ng malalim,

Pakawalan mo ang mga bagay na to, bago ka lamunin nito
Hindi ko sinasabeng pakawalan mo ang lahat ng maliliit na parte ng dahilan ng sakit, ng hapdi, o kahit ng mga basurang pakiramdam, mga bagay na sumisiksik kaliwa’t kanan sa pusong balisat tuliro,

Dahil kahit kailan hindi mo makakalimutan ang mga memorya

Dahil ang memorya ay parte na ng pagkatao mo

Oo hindi madali itong pinapagawa ko sayo

Dahil eto ang sakit ng nakaraan

Ang nakaraan ang dahilan kung bakit may ngayon

Ang nakaraan ang dahilan kung bakit tuloy tuloy padin ang buhay

Ang nakaraan ang anino ng kahapon

At hindi mo to matatakasan, patuloy ka lang nitong susundan.

Sa bawat sinag ng araw sa umaga, sa bawat ilaw ng bitwin sa gabi

Sa bawat hiwa ng karanasan na hindi mo malimutan, sa bawat sugat at peklat na iniwan..

Mararamdaman at mararamdaman mo ang sakit,

Ngunit eto ang hiling ko, bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo

H’wag mong hilahin ang bigat ng patay na pasanin sa bawat sulok ng bawat karanasan

Dahil hindi ka makakabangon kung mananatili kang barado sa isang lugar habang buhat buhat ang Bigat na bagahe na patuloy na kumakain sa iyong imahe

Lumaya ka.

Mga memorya kagaya ng huli niyang yakap, pagkahulog sa kawalan, mga wasak na pangarap, mga maling desisyon. Oo, mahirap kalimutan ang taong iiwan ka din lang, masakit isipin na hindi para sa iyo ang isang bagay na pinaghirapan mo, mahirap magpakatanga at magkamali. Pero lahat ng to mananatili dito… At gusto kong pasalamatan mo ang sarili mo dahil higit ka sa memorya, higit ka sa bawat pagkakataon. Dahil hindi ikaw ang ikaw kung hindi dahil sa serye ng mga pangyayare na sinundan ng iyong yapak mula sa nakaraan… patungo sa kinabukasan

Yakapin mo ang sakit, dahil eto lang ang makapag papalaya at makapagbibigay pagasa, yakapin mo ang sakit kung paanong kapag niyayakap mo siya, ramdam mo ang saya..

Lumaya ka

Gusto ko ulet magmahal 

Nakakatawa sa tuwing maiisipan kong sumulat

Sa umpisa wala akong mailagay

Halo halo ang nadarama at paikot ikot lang ang utak

Punong puno ng mga katarantaduhang mga bagay na gusto ko ilapat

Oo kahit walang kwenta

Baka kase sakaling mailabas ko ang sakit ng mga sugat na akala ko naghilom na

Mali

Nagnanana pa

Gusto ko ulet magmahal

Gusto kong maranasan muli ang tamis, ang pait, ang kilig, ang kakaibang pakiramdam na mahalaga ka

Gusto ko ulet mahalin

Mga pang umagang mensahe na tila binuburan ng asukal para kiligin, ang patay na damdamin at buhayin

Gusto ko ulet magmahal

Magkatabi sa kama, magkahawak ang kamay, nararamdaman ang init ng isat isa

Nakatitig sa iyong mga mata

Habang binibigkas mo ang mga salitang “Mahal, mahal kita”

Kasabay ng unti unting pagdampi ng iyong labi sa akin, hawak hawak padin ang mga kamay na ayaw ko ng bitawan pa

Gusto ko ulet mahalin

Mga tanong na ang sarap sagutin

Katulad ng” Mahal, kumain ka na?” “Halika sabayan mo ako at patatabain kita”

“Mahal? Nakauwi ka na ba? Mag aantay ako hanggang ano oras dahil baka mapano ka..MAHAL NASAN KA NA?”

Gusto ko marinig ang tinig na hinding hindi ako magsasawa “Mahal, Mahal na mahal kita”

Gusto ko ulet magmahal 

May isang taong parating inaalala, hindi mapakali kapag nagkasakit ka

Na parang guguho ang mundo dahil pagod ka, matamlay at hindi kagaya ng kilala kong masaya, ayokong nasasaktan ka.

Dahil para akong tinutusok ng mga karayom na “ARAY. AYOKO NA. TAMA NA. ANG SAKIT SAKIT NA”

Gusto ko ulet mahalin 

Mga pangako mo na gagawin nating dalawa

Kasabay ng saya, ng lungkot, o ng kung ano pa

Walang pakealam sa mangyayare basta andyan ka. Okay na. Sapat na

Gusto ko ulet magmahal 

Ibigin ang isang tao na hindi perpekto pero tanggap mo at ayaw mo ng mawala sayo dahil parang mawawasak ang puso mo na “tangina” ganito, ganito pala magmahal

Gusto ko ulet mahalin

Maramdaman na isa kading palang nilalang

Pinahahalagahan, binibigyan, minamahal at oo

Ang sarap mahalin, ang sarap magmahal

Pakiramdam mo sayo ang mundo at ikaw ay akin

Ang sarap mahalin,

Ikaw ay sa kanya at sa inyo ang mundo. Satin

Na kahit ang sakim pakinggan tuloy padin

Nakakatawa sa tuwing matatapos ang aking mga sinusulat napapatanong bakit palage nalang ikaw ang nagiging laman

Kahit napapagod na akong hanapin

Ang katapusan ng mga pangungusap na di ko mahintuhan

Umpisa gitna dulo ikaw lang ang parati ko iniisip

Mula sa binitawan mong “mahal kita”,

Naglalaro sa aking isipan,

Akin parin pinanghahawakan

Inaaalala parin lahat ng memorya at pilit sinusulat muli

Hanggang sa maubos ang tinta ng pluma

Larawan mong nakaukit sa likod ng bawat letra…

Gusto ko ulet magmahal

Pero ang totoo niyan

Mahal,

Gusto ko lang na mahalin mo ulet ako…

Shift 

  
Isa dalawa tatlo apat.. lima

Limang taon sa kolehiyo. 

Isa, dalwa palang ayoko na

Tatlo, apat, lima? Haha 

Ang hirap. Ang hirap gumising sa umaga, lalo na kapag sama sama. Punong puno, nag uumapaw at hindi na makaya ang damdamin na tila nagiinaso, umaapoy at nagniningas sa sakit, sa kaguluhan, sa takot. Hindi ko na nga alam kung minsan bakit bumabangon pa. Ano nga bang saysay kung mismong sarili’y bilanggo ng kahapon at ng pangarap na tila nadurog at binaon? 

“ma ayoko na” paulet ulet binabanggit sa utak ko ang tatlong salita na hindi ko kayang aktwal na bigkasin. Parati na lamang may “pero” “paano” at “Ta*g*na natatakot ako” takot ako, takot ako sa magiging reaksyon ni mama, ni papa, ni ate, ni kuya. Takot akong malaman ang mga sasabihin nila, ang mga salitang baka hindi ko makaya, ang mga bagay na ayoko na lamang marinig pa… at ang pagkadismaya. Oo ang pagkadismaya. 

Akala ko nung una kaya ko, akala ko nung umpisa, eto na to, na lahat naman ng bagay ay natututunan, napag aaralan. Akala ko para sakin to. Dumating ako sa puntong napaisip sa buhay’t sitwasyon na meron ako, tinanong ang saril “eto ba talaga ang gusto ko?” nagtiyaga ako, pinagsipagan ang isang bagay na hindi ako sigurado. At sa huli…. nabigo ako, nabigo ako ng paulet ulet. Tila kapatid na nga ang pag katalo. Pero Pinalampas ko, pinalampas ko ang mga pagkakamali, sinubukan ko muli. At sa pangalawang pagkakataon… teka, pinaglalaruan na ba ako ng mundo? 

“Hindi ko na to gusto” paulet ulet isinisigaw ng puso ko ang mga salitang ‘to. Madalas ay kinikimkim ko na lamang hanggang sumabog ako. Parati na lamang “tanga” “bakit?” “huli na. huli na ba ang lahat?” may tiyansa pa bang balikan ang nakaraan? Itama ang mali at lumakad sa tamang daan? Hubugin ang sarili sa bagay na dapat, sa bagay na nais, sa bagay na gusto ko. Huli? Huli naba ang lahat? 

“Ma, naiintindihan mo ba ako?” ang hirap gumising sa umaga na dala dala ang hapdi na nadarama. Para bang may sugat sa loob ng katawan na hindi na naghilom, nagna-nana pa. 

“Ma, pagod na ako” pagod na akong pilitin ang sarili sa isang bagay na sinusuka ko na. pagod na akong gawin ang isang bagay na hindi ko naman talaga ginusto. Oo, nagkamali ako. Oo tanga ako pero… ma, tao lang ako, mapapatawad mo pa ba ako? 

“ma, gusto ko ng mag shift”

Sinisisi ko ang sarili. Sa pagpili, sa pagdesisyon, at sa pagtahak. Pilit ko ng pinagsisiksikan ang sarili sa bagay na patuloy akong niluluwa. 

Kailan ako maiintindihan ng mundo? Kalian ako babangon mula sa kahapon? Kailan ko magagawa ang mga bagay na gusto ko? Kailan ko makakamit ang pangarap na naglaho? Kailan ako magiging Masaya, kailan mawawala ang sakit sa dibdib na araw araw na lamang nadarama. 

“ma, papayag ka ba?”

Kaya ko pa 

  
May mga kataga na ayoko ng marinig 

Mga salitang hindi ko na nais mabatid 

Mga paulit ulit na letrang pinagsama sama na nakadikit 

Nakapilit sa isat isa… Puta 

Ayoko na.

Ayoko na banggitin ang mga salitang “kaya ko pa” 

Kayo ko pa, kaya ko pa. Kayang kaya ko pang intindihin ang mundo 

Isantabi ang mga bagay na gusto ko 

Ilaban ang mga natitirang pagasa na patungo nanaman sa ilalim ng lubak na pira piraso 

Ayoko na. 

Ayoko na marinig ang mga katagang 

“yakang yaka mo yan” 

“magaling ka kaya” 

“ikaw pa ba?” 

Oo ako. Ako parating ako. Kailangan ng tulong ko. 

Kausap ako, 

Ako. Puro ako 

Sa tuwing may problema si ganto, daig ko pa ang gobyerno ng pilipinas sa pagrespundi. Agad na sinusubukang maagapan ang mga luhang papatak, sinusubukang paltan ng mga ngiti at tawang kahit pansamantala lang 

Sa tuwing kailangan ng tulong ni ganto, dali daling inaabot ang kinaroroonan kahit may sariling pananagutan kahit ako’y masugatan, mapasaya lamang

Sa tuwing maiisip lahat ng bagay na binibigay ko 

Hindi ko batid kung nauubos ba ako 

Dahil heto parin ako 

Nakatayo. Humihinga ngumingiti, nagpapakatatag sa harap ng napakaraming tao 

Kahit alam ko sa sarili ko na hindi. Ayoko ng banggitin dahil 

Dahil kaya ko pa. 
Hindi ko na kaya.
Hindi ko na kaya. 

PWEDE BANG magpahinga naman?

Kahit saglit lang?

Kaya ko pa

Hindi ko na kaya 

Kaya ko pa… Pero 

Sa pagkakataon eto 

Hayaan niyong sabihin ko sa sarili ko sa pagidlip ko 

Kaya ko pa. Pero ako naman.

It says all the things that words alone can never say

  
So hi there ppl! Actually hindi ‘to usual because written siya in english HAHA I mean I rarely write poems/essays/stories in english but ewan I find this goods naman so I’ll be putting it here. Actually assessment/question siya sakin ng isang company na sinagot ko naman but then hindi ko sinipot yung interview and I regret that sobra. Puro regrets nanaman buhay ko, anw here it goes hope you guys enjoy it 🙂

Think about a song you like. Now, think about a song you dislike. Then, WITHOUT LYING: In 300 words or less, constructively criticize the song you like. Forget that you love it (for the moment), and take it apart. In 300 words or less, convince me to give the song you dislike a chance. Make me want to listen to it.

One song that recently captured my feelings and interest is, “TAO” Lyrics by Sampaguita. Performed by Armi Millare. It is the OST from the movie, HONOR THY FATHER. I’ve always love words. I love writing poems and when I hear the song, it made me want to write more. Yet this song is so poignant that aside from its dawdling tone that will amplify someone’s depression it will also affect you very hard. Especially when you already watch the movie. The lyrics are nice but it could be enhanced if they lay more metaphorical lines. From the opening lyrics “tulad ng isang ibon, tao ay lumilipad, pangarap tanging nais. Marating at matupad.” it resonate something deep that people may have different interpretations. And the lyrics “Tubig ay natutuyo. Bulaklak ay nalalanta. Araw ay lumilipas sa kadilim din ang punta.” It’s so simple yet it’s true. Yes, it’s life. The reality. The exactness. But it will hit your very clear that all life forms will eventually be dead. It’s like saying that you will sooner or later breathe your last breath and will meet your maker. In the end the truth is people relate to a song because it becomes a way for our hearts to scream what we really feel. Most people listen to a song because they love the way it makes them smile. Love songs in particular, but there are also people who don’t want to listen to a certain song because of too much pain it brings. And this song brings a great extent of suffering but you will see life through it.

Music is so powerful and beautiful that you wouldn’t be too cheerless because the world created good music. But it’s so heart breaking to see that there are songs that are so rubbish and twaddle that I hate hearing them when I’m on the road going to places. There are songs that I had never heard before and don’t have any plan on listening to it but once you travel you’ll hear songs from radio and then this song gets in the chorus, I was so close on crying in a public place If only I can turn off the radio. But unfortunately I can’t. I’ll be honest I don’t like the song “BUKO” by Jireh Lim. I find it “jeje” I find it so corny. However this song became a hit. And when I listen to it again, I see the reason why most people love this song. People spend so much of their time acting as if they don’t care, that nothing hurts them, and they’re not emotional. I spend a lot of time doing that too. I become bitter because of my own reasons, because of myself. I didn’t see the beauty that this song is also the reality of the past and even 50% of the present. From ligawan to landian to “tayo na.” This song is so lovely that every couple will be trigger to stay for a long period of time together. “Kung inaakala mo ang pagibig ko ay magbabago. Itaga mo sa bato, dumaan man ang maraming pasko. Kahit na di mo na abot ang sahig. Kahit na di mo na ako marinig. Ikaw parin, ang buhay ko” Yes. It’s okay to like or dislike something. It’s okay to feel things. It’s okay to cry. But the next time you hear a song. Take a moment and remember that ‘feeling’ and allow it to sink in. Music will speak for you. Music will change you. Music will let you see life 🙂