Success and nothing less.

ImageImageImageImage

CHAMPIONS SFEST2013. 

Mga pictures na na-browse ko lang kung saan-saang facebook accounts. Maganda nung ibang pic, yung iba walang anggulo haha. Pero still I appreciate it! Credits to the owners!

Matagal-tagal nadin ng huli akong makapagsulat dito. ‘di ko padin naman to pinupublish sa kahit anong social networking sites. Im better na by just expressing and writing my thoughts tapos kalma nako 🙂

Kakauwe ko lang galing school. First day of second sem. Not bad, oks naman except for the fact that only one prof appeared the whole period. Katamad. If alam ko lang nag stay nalang sana ako sa bahay to relax, since I know after this week, isang  malakeng quiapo nanaman ang gagalawan ko. Punong puno nanaman ng strain sa brain, hassle sa muscle, stress sa breast at kung ano ano pang pwedeng ma rhyme. Hayyy life.

Alam mo yung feeling na everyday nag to-throwback ka? Yung feeling na sana nabubuhay ka padin sa nakaraan, Yung feeling na sana mas pinahalagahan mo lahat ng bagay at mas ginalingan mo una palang, Yung feeling na sana mas magandang desisyon yung nagawa mo at hindi ka nagpakatanga sa pag a-analyze ng mga bagay bagay, Yung feeling na sana nandun ka at masaya kana, at higit sa lahat yung feeling na contented ka, nakamit mo na SANA, nandun ka SANA, fulfilled SANA, dream come true SANA, at SANA MAS BETTER KA KAYSA SA IBA. Nabubuhay ako sa “sana” punong puno ng “sana” nabubuhay sa pangarap, nabubuhay sa rejection, nabubuhay  ng hindi masaya at hindi kuntento O sa madaling salita nabubuhay sa kabiguan.

Malapit na! Malapit na talaga, actually ilang buwan nalang. Umpisa nanaman ang try outs season. Malamang sa alamang? ano pa nga bang gagawin ko? hindi naman ako player ngayon, para ma recruit. So basically SARILING GAWA nanaman. pursige nanaman at tiyaga. Wala ng sawang TIYAGA! AT PAGHIHINTAY. pakiramdam ko nga naghihintay ako sa wala! seriously. like guys? 8 years ko ng pangarap ‘to. I’ve tried thrice but nothing happened. Masakit. sobrang sakit. Alam mo yung feeling na nahulog ka mula sa 17th floor tapos nasagasaan ka pa ng 10 wheeler truck tapos kinaladkad ka ng sampung bus, tapos binabayaan ka lang? Ganun kasakit. well sa paghulog pa ngalang. wala na, patay ka nga nun e, I mean, Iba lang talaga yung feeling na ma reject sa isang bagay na gustong gusto mo talaga.

Simple na nga lang ang gusto ko mangyare sa mga susunod na taon e, mas pinababa ko na kahit papano. Kahit Team B lang po, kahit 50% scholarship lang po basta may stable training yun lang, yun lang talaga, makapag volleyball lang ako masaya nako. Buhay ko yan e. Wala ng mas sasaya pa sa pag lalaro. Yan lang talaga ang gusto ko. Hindi ko kailangan ng fame, fortune, ka ekekan, wala!!! ang kailangan ko VOLLEYBALL. PAGLALARO. EXERCISE. TRAINING. masaya nako sa ganyan. Kahit hindi ako ma first six, kahit hindi ako ipasok sa unang dalwang taon ko, kahit hindi ako mag gain ng followers sa twitter kapag athlete nako, kahit hindi ako sumikat, kahit hindi ako kilala, kahit bangko ako…WALA AKONG PAKEALAM. BASTA NAG TA TRAINING AKO NAKAKAHAWAK AKO NG BOLA, NAKAKAPALO AKO, NAKAKA BLOCK, NAKAKA DIG, NAKAKA SERVE, NAKAKA DOS, TRES, MIDDLE, C, QUICK, KWATRO, SAIS, BACK ROW, MASAYA NAKO 😦

Simpleng, simple na talaga ang pananaw ko sa buhay ang kailangan ko nalang yung araw nayun at kung paano. Makasama lang si Kira Tuyan sa isang team, Im finally contented and satisfied. I can’t ask for anything else pa! Sobra as in.

Kaya naman sa darating na 2014, POSITIVITY! BELIEVE! kaya ‘to. Kakayanin namin ‘to! soon makakamit ko din yang pangarap na yan even if takes me forever. Hinding-hindi ako magsasawang mag try outs at hinding-hindi ako magsasawa mabigo! basta ang alam ko volleyball ang para sakin, siya ang humanap samin at alam kong siya din ang susundo samin.

Soon. masasabe ko ding. FINALLY! my happiness.

I love volleyball more than anything else and I just hope someday! someday! Mamahalin din ako ng volleyball kagaya ng pagmamahal ko sa kanya.

Alam kong ganyan din ang pananaw ni Kira. At alam kong balang araw siya ulet ang magiging setter ko. Tiwala lang. darating tayo diyan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s