Ateneo.

Image

 

Ateneo. November 22, 2013. 

 

Yes! kagagaling ko lang diyan kahapon. Medyo gala ba? Oh well Its been a while since nabisita ko yang lugar nayan. Ang ganda padin, ang presko, ang bango ng simoy ng hangin, ang lawak at higit sa lahat ang sarap sa pakiramdam na maglakad-lakad. 

Halos magiisang taon na din pala akong bagsak diyan, sa january offically one year na! haha. I celebrate ba ang rejection? Lol 🙂 

Alam niyo ba hindi naman sa pagiging OA o masyadong maarte pero pagpasok talaga ng tric sa loob naramdaman ko  nayung mabigat na pakiramdam, sobrang parang naninikip dibdib ko. No joke, walang halong kaOa-yan. I swear halos natatae ako na ewan.Tapos patitigilin ka pa ng guard para ilabas ang I.D pero wala kang malabas kase hindi ka naman talaga dun nag aaral. Buti nalang pwede visitors. Open University kase ang Ateneo. Tapos nung nakuha yung ID mo paulet-ulet na binabanggit school ko. Don’t get me wrong masaya ako sa current school ko ngayon, pero alam mo yung feeling na hindi mo talaga gusto dun ever since na magpasiya ka kung san ka mag aaral? Alam mo yung feeling na ang layo ng agwat nito sa pangarap mong school? Masakit e, hindi ko man nailabas kahapon, kase nakakahiya noh, may  mga kasama ako, sabihin pa sobrang OA ko. pero sa totoo lang kung  kameng dalwa lang ni kira yung nandun, iiyak ako hanggang sa sipunin at ubuhin, kagaya ng iyak ko noon ng malaman kung hindi ako qualified sa school na to. Masakit padin hanggang ngayon, aaminin ko, hindi padin ako nakakaget over sa pangarap na yan. 

 

Napaisip tuloy ako kagabi, ano bang kulang sakin? Ano bang mali kong ginawa? Ano ba ang dapat na ginawa ko? Mali bang mangarap? Mali na bang mag try? Mali bang subukan ang isang  bagay na gustong gusto mo? Mali na bang maglakas loob? Mali ba lahat ng naging desisyon ko? Mali bang i pursue ang isang bagay na umpisa palang ninanais ko na? Mali ba lahat?? 

 

Hindi bako kayang pagbigyan sa isang bagay na gustong gusto ko? Bakit ba lage nalang ako sawi? Bakit hindi pwedeng maranasan ko? Bakit hindi ako bigyan ng chance na i prove na kahit average lang ako kakayanin ko? Bakit hindi ako biniyayaan? Bakit hindi natupad? Eto nanaman tayo e, eto nanaman! Ayoko na! lage nalang punong puno ng katanungan buhay ko! E kung tutuusin alam ko naman ang sagot! ako si tanga na nag try, si bobo na pinush, si walang modo na nagpakabaliw at ginawa ang isang bagay alam ko naman sa umpisa palang wala ng pag asa, walang kahahantungan, at walang saysay. Kase hindi ako sobrang talino, hindi sobrang galing mag volleyball. 

 

Gaga ako no? Gusto ko mag aral at makapag varsity sa isang Unibersidad na sobrang taas, Syempre nga naman kung mag  va-varsity ako diyan, kailangan kaya kong pagsabayin ang pag aaral, e ang pag aaral patayan din diyan….PERO ALAM MO YUNG KAKAYANIN KO NAMAN E, GAGAWIN KO LAHAT, KAHIT WALANG SOCIAL LIFE, KAHIT WALANG KAHIT ANO BASTA NANDIYAN AKO, NAG AARAL, NAG VO-VOLLEYBALL. oo na! Oo na! mataas pangarap ko, malabo, imposible nag e-exist ang Imposible no! kita mo hindi nga ako pumasa diyan e, Akala ko lahat posible, problema kase sakin akala ko kaya ko, taas ng tingin ko sa sarili ko kahit alam ko namang wala pa ko sa kalahati ng magagaling na vball player. Hanggang meets lang ako, hanggang liga, hanggang tune up, hanggang high school varsity. UAAP!? sus! malabo! malabo, lalo na ngayon! lalo na ngayon! WALA AKONG TRAINING. WALA AKONG KAHIT ANO. NAG AARAL LANG AKO! wala….wala…….

 

Sobra sobra na araw araw nalang lage nalang ako naiiyak, araw araw nalang naiingit, araw araw nalang nahihirapan, araw araw nalang sinusubukan maging masaya kahit sa totoo lang pagsapit ng gabi luluha ako, kusa na, wala ng dahilan, kusang lalabas. Sinasayang ko oras ko, sinasayang ko luha ko, sinasayang ko lahat. 

 

Kailan ba? Kailan ko ba mararanasan lahat? May masama ba talaga sa lahat ng ginawa ko, e ang sabe nila “para makamit mo dapat mong subukan” Ano bang ginawa ko? sumubok ako! naglakas loob! actually I tried thrice! THRICE. TATLO NAYUN! TATLO NA. HINDI LANG ISA, HINDI LANG DALWA. Kulang pa ba lahat ng effort na ginagawa ko para lang makamit ang kaisa-isa kong pangarap. Hindi ako humiling ng kahit anong materyal na bagay, pagpunta sa ibang bansa para magbakasyon, magliwaliw sa kung saan, makakuha ng kakaibang bagay, hindi ako maluho, hindi ako humiling ng kahit ano sa magulang ko para masapatan yung panga-ngailangan ko at kagustuhan ko. Ang tanging hiniling ko lang ay ang makapasa ako, at matupad lahat lahat ng ninanais ko simula umpisa. Kung tutuusin naging practical ako! Hindi ako kumuha sa pinaka una kong “Dream school” Sa pinapangarap kong “pasukan” since elementary, ang DLSU-taft. kase alam ko malabo, malabo talaga na makapasa ako ng varsity dun. Hindi ko yun kinuhanan? biruin mo sinakripisyo ko yung pangarap ko, pinakaUNANG! pangarap para lang diyan. Kase nagiisip din naman ako kahit papano. Pero mukang baliw nga talaga ako dahil mas mahirap sa Ateneo, sa pag aaral. Naisip ko tuloy, kung kumuha kaya ako? may chance kaya? mag recon kaya ako? napasa daw e? Edi sana nag aaral ako ngayon sa dream school ko…PERO HINDI NAGLALARO. at hindi ko yun gusto! never kung ginusto na maging isang normal na estudyante. nag aaral! nag aaral lang! BUHAY KO ANG VOLLEYBALL. DI KO KAKAYANIN KAPAG WALA. ngayon pa nga lang parang di nako maka ere araw araw sa kaiisip na hindi ako nag vo-volleyball. Nakakaiyak na. pagod nadin naman ako. Hindi ko maintindihan kung bakitbuhay pako? Bakit nangyayare lahat lahat ng  nalalaman ko ngayon, kung bakit yung mga kasabayan ko noon, nawawala sa larangan ng sports at nabibigo,May dahilan ba lahat to? Ngayon na ba maguumpisa? Ano na bang mangyayare? Matutupad ko na ba? papano? kailan? at saan? 😦 

 

Hindi ko alam kung anong  mangyayare sa mga susunod na araw, linggo, o taon. Pero masyado nakong binibighani ng araw dahil sa mga nalalaman ko. Ganun ba talaga? Kapag malungkot ka lage nalang may kapalit na kasiyahan? Ganun ba talaga? may oras ba talaga para sa lahat ng bagay? 

……

Kung ganun man, handa padin ako maghintay kahit gaano kasakit lahat-lahat. 

Handa padin akong  mag try kahit paulet ulet na nabibigo

handa padin akong harapin lahat ng bagay na haharapin ko sa hinaharap. 

Handa padin akong mag pagod makasama lang yung setter ko

Handa padin akong kayanin lahat sa kabila ng mga consequences na haharapin ko if ever pumasa nako.

Handa padin akong mag pagod, mag sipag at lahat lahat, maranasan lang yung pangarap ko. 

Gustong-gusto ko mag volleyball. Gustong gusto ko. 

At sana, pakiusap, hangad, gustuhin din ako ng pangarap ko balang araw. 

 

“SANA’Y ANG MGA BAGAY ANG MAGING MAS MABUTI.” 

 

– JEMY DAMIAN. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s