Month: March

“MAYBE YOU CAN AFFORD TO WAIT. Maybe for you there’s a tomorrow. Maybe for you there’s one thousand tomorrows, or three thousand, or ten, so much time you can bathe in it, roll around it, let it slide like coins through your fingers. So much time you can waste it. But for some of us there’s only TODAY. And the truth is, you never really know.” 

 

This is a quote I saw in the book that I am currently reading. You can check it if you want to. The title is “Before I fall” By Lauren Oliver. Okay, well…this entry is not about the book nor the quote, I just want to share this because it hit me and I know many will agree with this quotation. Anyway, I’ll be writing some thoughts that I’ve been thinking about since March 1 oh wait….scratch that. since like forever. So here it goes…

 

March 5, 2014/ 6:37pm 

Sabi nila ang nakakapagod, yung umasa, maghintay, umintindi, at umasa ulit, maghintay ulit hanggang sa masaktan ng paulit-ulit. Aakalain mong tungkol sa “LOVE” ang sanaysay na ‘to. Pero  nagkakamali ka, Love? anong pake ko dun. ni hindi ko nga alam pano at ano feeling nun eh. Alam niyo kung para saan yan?………….

 

Para yan sa pangarap ko. Pangarap ko na halos walong taon ng hindi matupad tupad. Mula elementarya baytang apat, hayskul, hanggang ngayong kolehiyo na ako. Anong pangarap yun? Yun ang ang makapag UAAP sa pangarap kong eskuwelahan. Pero mukang malabo na ata yan. Una sa lahat binagsak ko yung “dream school” ko, pangalawa, wala akong ensayo halos mag iilang buwan nadin. at pangatlo hindi ko na ata kaya pang sumubok at bigyan ng lakas ng loob ang sarili ko dahil takot nako…..”past tense” takot na. Hindi natatakot. Takot nako masaktan ng paulet-ulet, ma reject ng paulit ulit. Ayoko na ng kahit ano pang stress na makapagdudulot nanaman ng isang malaking impact sa buhay ko. Dahil ang totoo niyan umpisa palang naman alam ko ng hindi pwede, pilit ko pading sinusubukan. Nakakatawa noh? para akong nagmamahal, para akong lalakeng nanliligaw sa isang dalaga na hindi naman ako gusto, isang binata na paulet ulet na busted at sawi sa pagibig. Dinaig ko pa ang na broken hearted. at ang mas nakakatawa dun, hindi sa tao, SA PANGARAP. SA BAGAY. SA BOLA. 

 

Siguro kung may nagbabasa man ng blog ko, sasabihin niyo drama ko nanaman, ang arte ko, ang babaw ko, ang tanga ko, ang nonsense ko. Siguro sa kabilang banda, Oo. Pero sa maniwala ka at hindi, sobrang sakit ng lahat ng yan. Tagos. Ramdam na ramdam mo kung paano itapon. Kung paano ma reject. HINDI TANGGAPIN. Na yung lahat ng pagod mo mapupunta sa wala, lahat ng pinaghirapan mo ibabaon lang, at lahat ng sakripisyo mo hindi pa sapat para makamit mo yung bagay na inaasam asam mo. Sobrang hirap. Sobrang Hirap. 

 

Alam niyo bang minsan ko nadin naisip na wag nalang. tama na. Minsan ko din napagtanto na may mga bagay naman talagang hindi para sa iyo. May mga bagay naman talaga kahit anong pilit mo hindi nakalaan sayo. Pero sa  bawat oras na makakakakita ako ng isang bagay na may kinalaman sa volleyball hindi ko mapigilang hindi gustuhin yun. Yung bang parang tuwing makikita mo siya, gusto mo siyang hawakan, gusto mo siyang yakapin, at higit sa lahat gusto mo siyang makasama araw araw. Weird OO. kung sa tao siguro applicable pero ako sa bola ko iniisip eh. Wag kayo matakot nasa katinuan pa naman ako. Medyo lutang at sabaw lang. Balik tayo sa usapan…..

 

At alam niyo din bang sa bawat ayaw ko, bumabalik ang gusto ko pa. At sa bawat iyak ko, nangingibabaw ang kaya ko pa, hindi ko maintindihan bakit ganto nalang kahalaga sakin ang bagay na ‘to pero isa lang ang alam ko….Hanggat kaya ko, hanggat pwede pa, HINDING HINDI AKO TITIGIL. kung ang binata kapag nagsusumikap nakukuha ang minimithing dalaga, pano pa ako? hindi ba? gusto ko isipin na hindi totoo ang “hindi pwede” gusto ko itatak sa utak ng bawat tao na totoo ang hindi imposible, gusto ko sabihin sa buong mundo na sisirain ko ang salitang “hindi ‘to para sayo” at higit sa lahat gusto kong ibaon ang salitang “hanggang dito ka nalang” 

Dahil lahat ng bagay pwede. Lahat ng gusto may paraan. Lahat ng pinagsisikapan,makakamtan at higit sa lahat, ang taong nagsusumikap, pinagpapala. 

 

Ayoko ng sayangin pa ang mga nalalabing oras. kaya kung meron. Go! Hindi nako magiisip kung anong mga bagay nanaman ang mararanasan ko, ang mahalaga sinubukan ko. Yun naman talaga diba. Yung willingness mo na gawin ang isang bagay at yung lakas ng loob at kagustuhan mong  makamit yun. Yun, Yun ang totoo. Yun ang tunay. 

 

Kaya naman dahil Marso na at magsisidatingan na ang sandamakmak na try outs, gaya nga ng sabi ng aking kabigan “tahanan nanaman ni satanas ang bawat court” Nawa’y makapasa kami. at maipamuka sa buong mundo, na ako si Jemimah Damian, hindi sumuko dahil alam kong kaya ko.  🙂 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s