Why I am thankful

ImageImage

Image

Image

Image

“Dati iyak ka ng iyak kase di ka makuha-kuha. tapos ngayon nakuha ka na iiyak ka kase di mo kukunin. ano ba namang kalokohan?”

 
 

Yan yung mga huling salita na sinabe sakin ni kuya matapos ko sabihin sa kanyang nakapasa ako ng try outs. Yes, tama basa niyo, NAKAPASA AKO NG TRY OUTS! sa wakas diba? ‘di nga lang UAAP school pero at least NCAA hehe 🙂 Anyway, so ayun nga anong kinalaman ng pictures sa sasabihin ko? Wala lang. Gusto ko lang mag post. Gusto ko lang magsulat. Kaya kung ano man ang lalabas mula sa puso ko patungo sa utak hanggang sa daliri ay mga bagay na nararamdaman ko sa mga panahong ‘to. Una sa lahat gusto kong malaman niyo na Adamson padin ako this coming second year. Bakit? Kase yun yung pinili ko, kase yun yung tingin ng iba na tama at na sa tingin ko din ay makabubuti sakin. Marahil yung iba magiging reaksiyon “Fvck ‘di nga!?” “SAYANG!!” “ANO BA NAMANG KABOBOHAN JEMY!?” “naka drugs ka ba? ano pumasok sa utak mo?!” or mas malala pa sa mga yan. Well, sa katunayan nakakuha nako ng maraming ganyan bago pako makapag desisyon. Kunti lang may alam at kasama dun ang parents ko, ano pa nga bang inaasahan? Ayaw nila sa volleyball, madaming bes din ako pinatigil, pero sa huli hinayaan nila na ako yung magdesisyon para sa sarili ko. 

 

Maraming magtatanong kung bakit hindi kinuha. Bweno unang rason ko ay ang grades ko. ‘di ko kase maintindihan petiks na ako ng sobra sobra pero ang taas ng GWA ko. Pero salamat nadin professors! Ikalawa, medyo private yung ikalawa wag na natin i-mention hihi. Ikatlo dahil sa bestfriend ko. Friendship over volleyball? Why not. Wala ngang iwanan eh. At aaminin ko hindi ko talaga kaya na hindi siya yung setter ko. Real talk yan! Although magaling yung setter ng school nayun, sobra! Idol ko nga yun eh. Hirap ng training niya, basta the best. Pero iba padin si kira 🙂 Sumunod na rason ay magulo ang utak ko. Ilang bes ako naguguluha, hindi sigurado, nagdadalawang isip, kapag nasa court ako gusto ko, kapag nasa labas ako ng court, ayaw ko. Hindi dahil sa mahirap yung training kundi dahil sa kung ano yung mawawala at ano yung masasayang kapag tinanggap ko yun. Ang swerte ko na nga kasi may choice ako. At alam kong parehong may consequences, well actually kung adu wala, may masasayang lang. 

 

Sabi ko noon best feeling yung matanggap ka yung makapasok pero alam niyo bang eto ang pinaka miserableng pangyayare sa buhay ko. Hindi ko na kukuwento yung mga detalye, medyo pribado na kase. Basta nagka problema kami ng kaibigan ko. (mali, pakibura) ng “mga” kaibigan ko pero eventually nagawa ko din namang ayusin yun. at masasabi kong masaya ako ngayon. promise! Kahit na hindi ako makakalaro this season, kahit na wala akong jersey o mizuno, kahit na hindi ako scholar, kahit na sa adu padin ako at isa pading normal na communication student, kahit na hindi ko padin natutupad yung pangarap ko, masaya ako. Hindi ko akalaing makakaya ko ‘to. Lahat ‘to. Lahat lahat ng bagay na ‘to. Kinaya ko ng isang taon na walang volleyball. Siguro naman kakayanin ko ulet, hindi ba? Nandiyan naman yung  mga taong kahit  hindi ako player, mahal ako. Kahit hindi ako sikat, gusto ako, Kahit nakauniform ako at  hindi naka jersey, tanggap ako. Yung mga taong mas gusto kung ano ko, yung taong na appreciate ako, yung mga taong proud sa kung ano na yung natahak at natanggap ko. Sila. Yung mga kaibigan ko 🙂 

 

Hindi ko ubod akalain na mas malala ang taon na ‘to. Sabi best year ever daw. Noong una halos mapamura ako dahil umpisa palang ng taon, labo at gulo nanaman ng buhay ko. Natanggap nga ako, kailangan ko naman mamili 🙂 Mas miserable pa to kaysa nakaraang taon. Pero hindi pa naman tapos diba? naguumpisa palang tayo. wala pa sa kalahati. Napakadami pang pwede mangyare. Napakadami pang MANGYAYARE. at super ready na ako para sa mga bagay nayun! 🙂 

 

Sobrang pasasalamat dahil may mga taong kagaya nila sa buhay ko. Hindi lang sila. Hindi ko lang malagay lahat ng pictures. Alam niyo naman kung sino kayo. No need to  mention and i doubt mababasa niyo ‘to haha. Napakadaming bagay na dapat ipagpasalamat kaysa ireklamo. Sobrang saya ng buhay kung titingnan mo. Sobrang saya ko at lahat ng ‘to nangyare sakin, kase kung hindi dahil dito hindi ako buo, hindi ako si jemy, hindi ako yung taong malakas. Biruin mo ilang bes ko na naisipang magpakamatay pero eto ako! still alive and eating! Sobrang pasalamat ko sa Diyos at araw araw binibigyan padin niya ako ng pagkakataon na gumising kahit hindi ko na siya napapasalamatan gabi gabi. Salamat sa kanya kase nakakaya ko lahat ng problema at kung may dadating pa, handa nako, kase hinding hindi niya iiwan ang isang tulad ko. alam kong mahal niya ako at mahal na mahal ko siya 🙂 

 

Napagtanto ko na hindi ko naman kailangan lahat ng bagay na gusto ko para mabuhay. Hindi ko kailangan ng volleyball para mabuhay, Oo, hindi ko kailangang ng VOLLEYBALL PARA MABUHAY. Isa pa nga! HINDI KO KAILANGAN NG VOLLEYBALL PARA MABUHAY 🙂 Hindi ko kailangan ng kahit ano, hanggat may pamilya ako, may kaibigan, kumpleto nako. Masaya nako. Kaya ngayong taon wala nakong hihilingin pa kundi ang ma tapos ang ikalawang taon ko sa kolehiyo at ang makasama ang mga taong mahal ko ng matagalan. Maayos na kalusugan at masayang buhay. bagong buhay. Kahit hindi ko padin matupad tupad yung pangarap na “MAKAPAG UAAP KASAMA SI KIRA” anong malay mo? sa susunod na taon? may masama bang sumubok ulet? hahahaha joke lang. Bahala na kung ano mangyare. surprise me world!!! I love surprises!!! Ipauubaya ko na sa hangin yang pangarap na yan. Matupad man o hindi bago ako makatapos, magiging masaya ako. Better things are coming. 🙂 

 

April 25, 2014 *marked* blessed to be Jemy Damian 🙂

And yung school secret nalang Hihi 🙂 Thank you nga pala kay coach at kay _____ mamimiss ko kayo. 😉
 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s