Love at first sight

  

“No love at first sight will never be true love”

Hindi ako magaling sa ganto, sa paguumpisa ng isang essay. Pero dahil trip ko sumulat at kagaya ng dati sasabog nanaman ako kapag hindi ko ‘to nalabas, eto, nakaharap nanaman ako sa isang device na nilikha upang malibang ang mga tao. Ano nga bang isusulat ko? ewan ko. Bahala na. Basta kung ano nalang maisip ng puso ko papunta sa utak patuloy sa daliri.

“Love at first sight” Pagibig sa unang tingin. Marahil, narinig mo na yan, nabasa, o di kaya nasabihan ka na niyan, nasabi mo na sa isang tao, na text na sayo, na chat, na tweet, na post, na caption, at kung ano ano pa. Pero ang tanong naniniwala ka ba diyan? naniniwala ka bang maaring mahulog ang iyong puso sa unang pagkikita palang? Pwede bang mapaibig ka ng isang tao base lamang sa itsura? posible bang kumpatibol na kayo sa isat isa ng dahil lang sa isang sulyap? Siguro oo, siguro hindi, maaring depende, maaring pwede. eh ano nga ba? Ewan, oo, pwede, hindi, siguro, depende, naman, gago libog lang yan, naakit, nabanguhan, nagandahan, nagwapuhan, siya na daw, walang forever, ang bango niya, destiny, fate, serendipity, perfect, nasakanya na lahat, bigay ni God, bla, bla, bla, bla, bla kapag tumibok ang puso lalalalalala, gaga gayuma, ooohhhh wooooh.

Sabi nila you have to get to know someone and develop a relationship with them and deeper feelings for them before you can fall in love. na kapag sinabe daw ng isa na “it was love at first sight” it pretty much means they loved that persons outer appearance at first sight, but they didn’t love the real person. o sa madaling salita, Lust at first sight.

Tanungin niyo nga ako? Naniniwala ba ako sa LOVE AT FIRST SIGHT? Dali, ask me! ask me! ask me! Well, ang sagot ko ay oo at hindi. Hindi dahil naniniwala akong you cannot fall in love with SOMEONE just by their appearance. If that’s the case, then you obviously don’t love them. Oo, dahil ako mismo ay na love at first sight na. Kanino? mali eh. “SA ANO?”

Eto nanaman tayo. Sorry na. Hindi ko talaga kaya eh, ikaw lang naman kase, mula noon hanggang ngayon ikaw padin, di naman nagbabago pagtingin at nararamdaman ko sayo eh, kahit kailan hindi ka nawala sa utak ko na sa bawat araw na gigising ako, yung hugis bilog mong itsura ang nasa puso’t isip ko, yung amoy mo, yung kulay mo, at higit sa lahat yung lakas ng dating mo kapag nakikita na kita. Miss na miss na kita, miss na miss na miss, sana alam mo parin kung gaano ako nasasaktan sa bawat araw na may taong magpapaalala sayo, kung alam mo lang kung gaano kita gusto hawakan, kung gaano kita gusto himasin, kung gaano kita gusto halikan, paluin, hampasin, ihagis, na kahit alam ko sa bawat hampas ko sayo hindi ka nasasaktan at patuloy mo lang tinatanggap lahat ng malalakas na palo na binibigay ng puso’t lakas ko. Naalala ko nung una palang kita nakita, kakaiba na yung naramdaman ko, gustong gusto kita hawakan, hindi ko alam may bagay na sobrang kakaiba sayo na parang ipinadala ka dito upang pasayahin ako, na talagang ikaw yung nakalaan sakin. Ang bilis mokong naakit-napaibig. Gustong gusto kita, yung gusto na hindi lang dahil napakaganda mo, yung gustong ah, ikaw na, sakin ka na. Totoo nga, totoo nga yung pagibig sa unang tingin at ikaw mismo yung nagpatunay na nag eexist ang pagibig dahil minahal kita ng todo todo, binigay lahat ng makakaya ko, inilaan lahat ng oras na meron ako, sinuyo ka ng higit sa kaya ko, pinaghirapan lahat ng bagay para maging sayo, at higit sa lahat ibubuwis ang kahit ano araw araw ka lang makasama.

Oo, hindi ako nainlove sa tao, nainlove ako sa isang bagay na walang utak, walang mata, walang ilong, walang bibig, walang kamay, walang paa, walang tiyan, walang kulangot, walang muta, walang tinga, at walang puso. Isang bagay na manhid, bagay na kahit anong gawin mo hindi ka mapapansin, isang bagay na hindi kayang ibalik yung bagay na nararamdaman mo para sakanya. OO, bagay. Bagay siya, Hindi, hindi ako mongoloid, autistic, psycho. Tao ako, at oo bagay siya.

Nainlove ako, nainlove una ko palang siya makita at mahawakan. Hindi ko nga alam kung tama bang ginagamit ko ang SIYA dahil paulet ulet ko ng sinabe sa itaas na hindi ka nga tao. Sorry gumamit ako ng KA. Ang hirap, kahit sa mga salitang to ang hirap MO sabihin. pero kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap, kahit gaano ka kaimposible, mahal kita eh. At alam ko na walang sinuman o anuman na kayang tumbasan yung buong puso kong pagmamahal sayo.

Akala ko nga naka move on na ko. Akala ko okay na ulet ako, ilang buwan na, BUWAN. Pinipilit kong mabuhay ng wala siya. Pero alam niyo sa tuwing maalala ko yun hindi ko maiwasang malungkot, mabalisa, ma depress. Na kapag may isang bagay na magpapaalala sayo, lahat ng bagay na pinaghirapan ko mag rerefresh sa utak ko. Sasaktan ako ng paulet ulet at sisihin ang sarili ko sa lahat ng maling desisyon na nagawa ko. Na sana nakinig ako sa kanila at hindi nakinig sa iba. O sana sinunuod ko yung sarili ko at nagpasiya para sa ikabubuti. Malabo noh. Magulo. Ganto nga siguro kapag nagmamahal. Wala ka na ngang reason para umibig, patuloy padin. Kase nga gusto mo, kase nga mahal mo. tas kapag tinanong bakit? Ang sagot, PAGIBIG.

Bago ko tapusin tong walang kuwenta kong essay. Gusto ko lang sabihin na ang dami ko palang hugot. daig ko nanaman broken hearted sa pagibig na pantao. Hindi, biro lang. Gusto ko lang sabihin na oo, totoo yung love at first sight pero kung kokontra ka, edi kumontra ka, magkaiba naman tayo ng sitwasyon. ako baliw, ikaw normal. Walang basagan ng trip. Kaya naman dun sa mga taong napasagot niyo ang volleyball, sana mahalin niyo siya ng kagaya ng pagmamahal ko. Hindi na pwede eh. Hindi na kita kayang ipaglaban pa. Hindi ko na kaya. Pagod nako. Ayoko ng masaktan ulet. Baka magpakamatay ako, tas kapag sinisi ka hindi ka iimik, kase wala ka namang bibig. Wala ka ngang puso eh. wala ka namang feelings pero sinasaktan moko. haha. Basta ang alam ko lang habambuhay, ikaw lang. Kahit hindi mo kayang suklian lahat. Ikaw lang. Habambuhay kang magiging parte ng malungkot kong mga taon sa mundong ‘to. Masaya ako na ilang taon din kitang nakapiling, at masaya akong SANA DAPAT tayo na, tas binalewala ko lang. Ako din naman may kasalanan 🙂

true love at first sight, totoo yan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s