No one goes through life unscathed

ohhNaranasan mo na ba yun? Yung in the middle of the night bigla ka nalang nagising, wala namang gumising, wala namang gumambala, basta, bigla ka nalang nagising. Hindi mo alam yung reason, nag cr ka para umihi, uminom din ng tubig tapos bumalik sa higaan pero… pero hindi ka na makatulog? hindi mo na mabalik yung himbing ng pansamanatala mong kamatayan, kung ano ano ng lumulutang sa isipan mo kahit ang ginagawa mo lang naman ay ang tumunganga sa kisame ng kwarto mo, iniisip mo na napakadaming mali sa buhay mo kahit wala naman talagang nangyayare sa pagkakataon nayun, nag o-over think ka na dinaig mo si Pnoy sa pagiisip ng mga solusyon para sa bansa, ibig kong sabihin sa buhay mo. Ang hirap no? ang hirap maging ikaw ang hirap maging tayo pero wala kang choice, kase nung pinagbubuntis ka ng nanay mo, di ka naman pinapili kung gusto mo bang mabuhay o wag na. Kaya eto ka, buhay… pero lageng nasasaktan.

Napakadaming importanteng bagay na dapat mas binibigyan ko ng pansin, kagaya ng critical analysis ko sa theology namin tungkol sa migration, due on Thursday, two days walang pasok pero wala padin akong balak magumpisa. Migration, sana nga pwede nalang mag migrate, magumpisa ng bagong buhay, iwanan lahat ng masasakit na karanasan, matutong lumimot. Pero wala eh, “its more fun in the Philippines” at masarap mag cramming, so eto ako inuupdate yung walang kwenta blog ko.. Bago ko umpisahan (oo, di pa start) Ano ba muna meaning nung “unscathed”  simple lang kapag sinearch mo siya sa google sasabihin nun na “without suffering any injury, damage or harm” yun na yun, uumpisahan na natin.

Nagising ako ng walang dahilan, pinlano na gawin ang papel sa theology, nagisip ng mga ilang minuto matapos naiyak na lamang. Nag sound trip, napili ang “ikaw at ako” ni Tj Moterde. Kung mamamatay man ako ngayong araw, masaya ako na eto yung pinatugtog ko, siguro sa iba jeje to, puro kalandian, walang sense, corny, mainstream, bla bla bla wala naman basagan ng trip eh. Pero kase alam ko di lang ako ang nakaka-appreciate ng kantang to. Madami satin, madami talaga… Lahat naman kase tayo umiibig, iibig, umibig. Tao tayo eh, normal tayo, marunong tayo magmahal. Nakakatuwa noh? lalo na kapag nahanap mo na yung “d one” mo, yung soulmate mo, yung other half, yung destiny, yung bae, yung baby, yung m4h4l, yung…..ikaw at ako. Sarap sa feeling diba? nung una mong naranasan na may nag ca care sayo, na may nagtetext sayo ng goodmorning at higit sa lahat may nagsasabe sayong “i love you” masaya ka, masaya ka talaga, minsan nga nangingisi ka nalang ng walang dahilan, binabalikan yung mga text niyang sobrang sweet, gumugulong sa kama, nakakalimutan na kumain, pati nga minsan homework eh, basta ang mahalaga nandiyan siya, buo ka na kahit wala ng diploma, pero syempre joke lang. Nagkaroon ng kayo, umabot ng buwan, taon. Maganda ang takbo ng relasyon, kahit pagod ka sa eskuwela uuwi ka nakangiti padin kase may magtatanong sayo “kamusta baby ko?” maguusap kayo, sa Skype, sa facetime, siguro sa phone, call, text, chat, di ka matutulog hanggang di siya matutulog, maglalandian kayo, may aantukin at sasabihing “tulog na tayo mamahalin pa kita bukas” matutulog kang masaya, baka nga kasama pa siya sa panaginip mo eh. iisipin mo yung amoy niya, yung akbay niya, yung holding hands niyo sa mall, yung mga pangako niya, yung mga sweet emes niya, yung ngiti niya, lahat lahat. wala kang pake kahit mapuyat ka kaka wonder sa buong pagkatao niya, magiisip ka pa ng sandali tas masasabi mo sa sarili mo “ang sarap mainlove” pano nga bang hindi magiging masarap? eh best feeling na yung magmahal ka at mahalin ka din ng taong mahal mo. reciprocity! haha pero hindi mo alam paggising mo, hindi na pala okay, may nakita ka, na sana hindi mo nalang nakita, nag away kayo, tinanong mo kung sino yun “babe, bestfriend ko lang yun” “baby pinsan ko yun” “bae naman blockmate ko lang yun” iiyak ka, maghahanap ng kausap, tapos susuyuin ka niya, pagkatapos bibigay ka, mga ilang keme okay na ulet kayo. sa sususunod na araw masaya ka, tapos malungkot, tapos masaya ulet, masasaktan, iiyak, tapos okay nanaman, bakit? kase mahal mo. pero dadating sa point na mapapagod ka, mapapagod ka na kakaintindi, kakaisip at kakamahal, kaya pipilitin mong limutin siya, masasaktan ka ng sobra, kase kahit binigay mo na lahat may kapal padin siya ng muka na maging tarantado, iiyak ka, magmumukmok, iiyak ulet, mukmok ulet tapos may magsasabe sayong “okay lang yan, everything happens for a reason” tapos mafe feel mo na gusto mo siyang suntukin, kaso di pwede. matagal, matagal bago ka makarecover, bago ka maka move on, mapapaisip ka “bakit ba tayo binibigyan ng mga bagay na kukunin din naman satin?” tapos kukuwestiyunin mo ang pagibig, magagalit ka sa mundo, durog ang puso mo, yung ikaw at ako mo, ikaw nalang ngayon pero eventually magiging okay ka din, kase  no one goes through life unscathed, maiintindihan mo yun, marerealize mo na swerte ka padin kase buhay ka, swerte ka padin kasi nandiyan padin yung pamilya, kaibigan at diyos na nagmamahal sayo. Gaun naman lage, matapos ng isang matinde at malupet na heartache saka lang maappreciate yung ibang bagay, saka lang magbabagong buhay, saka lang magiging open minded. Parang tanga noh? pero wala eh ganun ang buhay, lahat dumadaan sa katangahan bago marealize kung ano yung totoong meaning ng pagiging isang tao.

Pero alam mo kung anong mas malupet? dadating yung araw na iibig ka ulet, may dadating, may bagong dadating. may magpaparamdam ulet sayo kung anong feeling ng mapahalagahan muli, tapos ang nakakatawa, masasaktan ka, again. pero alam mo kung anong the best part? okay lang ulet yan, kase nga no one goes through life unscathed, tatandaan mo lang lage na walang tao ang hindi nasasaktan. mi ultimo tayo nung sanggol palang nasaktan nung lnilabas tayo sa pepe ni mommy. diba? Lahat tayo dadaan sa sandamakmak na kahirapan. Lahat tayo dadanas ng injury sa ibat ibang paraan. Bago man dumating yung totoong the one mo, sanlibong walang kapararakan na problema muna yung mararanasan mo, pero alam mo na dapat maging thankful tayo dun, kase nga everything happens for a reason. Believe me or not at one point masaya maging tao kesa maging aso. actually obvious yun gusto ko lang I emphasize hahahaha o diba, ng dahil sa lintek na migration essay ko, kung ano ano ng nasabi ko.

Pero ang pinaka malupet talaga, hindi mo alam habang binabasa mo ‘to, baka bukas pala, matagpuan mo na yung….ikaw at ako..ooohhh, tayo’y pinagtagpo. Ikaw at ako…oohhh, di na muling magkakalayo 😉

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s