Well, Maybe…..

kamay

Merong 24 hours, 1440 minutes, at 86400 Seconds sa isang araw. Daan daang tao na bumibisita sa parke, libong tao sa eskuwelahan mo, at di mabilang na tao sa palengke. Babae, lalake, miyembero ng LGBT or posibleng multo, kaluluwa, alien(?) aso, pusa, daga, ipis, langgam, bubuyog, palaka, alikabok, atoms, at kung ano-ano pa. Araw araw nakakasalamuha mo ang ibat ibang uri ng nilalang, maaring normal, abnormal pwede ding minor, menopause, addict, may trabaho, walang trabaho, naghahanap ng trabaho, pulubi, estyudante, mayaman, mahirap, immoral, o di kaya isang simpleng tao na kagaya mo. Bawat Segundo o sa bawat kisapmata mo paglabas mo ng bahay, may makikita kang naglalakad, tumatakbo, nakasasakyan, bike, tric, bus at kung ano-ano pa. Sa isang araw kung dadaan ka sa lugar na may tindahan makikita mo ang mga taong nag aabot ng pambayad sa kahera, Matatanaw mo mula sa malayo ang kulay blue, red, green, yellow na papel na malutong, PERA. Sa ibang daan naman mapapansin mo ang hale-halerang stall ng fast food o kahit ng turo turo gang, mga taong pagod, gutom, at nagpapalipas ng oras habang kumakain. Pero kahit saang daan ka man mapunta, kahit anong oras ka man dumaan hinding-hindi mawawala ang mga taong…… mga taong, mga taong may dalang bag! Joke. Mga taong may kaholding hands, mga taong may sinusubuan, mga taong may kaakbay, mga taong “SILA” mga taong may kasamang “TAO” dalwang tao na pinagtagpo ng pollution at magkasama at the moment, (hindi ako bitter) mga taong nahanap na yung pansamantalang “d one” nila, mga taong kinilig sa “ang ganda ng b4by koh” mga dalagang napaibig ng text na “goodmorning, good aftie, goodnight, labyu” mga lalakeng nahulog sa panlabas na kaanyuan at malaking boobs(?) mga taong tinusok ni kupido, mga taong naniwala sa destiny, fate at kung anong katarantaduhang naembento. Mga taong nahulog sa pamamagitan ng social media, mga taong “INLOVE DAW” o sige na nga, mga taong swerte lang talaga dahil nahanap na nila yung kabiyak nila. Kung meron mang isang bagay na hindi pwedeng hindi mo makikita sa isang araw, yun ay ang mga “kopols” at kahit anong iwas mo hindi pwedeng sa isang araw makakasalamuha ka ng isa o higit pa dahil bukod sa hangin araw araw mong mararamdaman ang “love”

Pero naniniwala ka bang nagkatagpo kayo  ni “d one” dahil may destiny? Dahil kayo ang meant to be? Dahil nakasulat sa isang bato mula sa bundok ng kababalaghan ang pangalan niyo? Dahil kung hindi ka nagpunta ng grocery store ng araw na yun hindi kayo ang magkasama ngayon? Dahil lahat ng nilalang sa mundo may ka pare na nakalaan, na yung buhay mo scripted, parang pelikula na dadating si light in shining armor para punan yang maliit na espasyo sa puso mo tapos malalaman mo kung anong true meaning of layf at maiintindihan mo kung bakit ka nabubuhay? Naniniwala ka sa fate, sa serendipity, sa luck, at kung ano ano pang katarantaduhan ng mundong ‘to. Hindi mo ba naisip na pano kung “coincidence” lang ang lahat na by “accident” nagkatagpo ang landas niyo, na by “chance” nasa iisang lugar kayo at kompatibol kayo sa isa’t isa, pano kung nasa park ka pala nun may mas better ka kayang makikilala? Posible kayang dahil “wala namang iba” kaya kayo nalang? Ang daming possibilites pero pinili mo pading maniwala na dahil eto sa….sa divine intervention? Gago noh?

Bakit kaya may naeembento silang “Right person, wrong timing” “wrong person, right time” totoo bayun? Nakilala mo na yung lalake/babae na magpapatibok ng puso mo pero hindi ka pa handa magmahal o hindi ka pa nakakamove on sa nakaraan. Handa ka ng umibig at sumubok ulet  kaso maling barbie at ken naman ang dumating. Yung mapapamura ka nalang dahil sa mga external circumstances, dahil sa lintek na destiny (kung meron mang ganun) Minsan tuloy hindi mo alam kung totoo ba yung “everything happens for a reason” pano pala kung totoo nga yan, pero dahil tao tayo, ‘di na maaalis yung katangahan. Pano pala kung dapat kayo naman talaga pero dahil sa walang kwenta mong desisyon, ayun, ikaw mismo sinira mo yung kapalaran mo. Yung dapat happy ending, punyeta nalang ngayon.

Bakit ba may reason lahat ng bagay? Bakit kulay blue ang langit kung pwede namang red or pink or violet? Bakit ba may logic, bakit kailangan ng correct reasoning kung lahat naman tayo hindi perfect? Bakit may ethics? eh kung tutuusin marami sa tao ngayon hindi na alam ang moral values. Bakit may make up kung “simplicity is beauty” Bakit tuwing masaya ka hindi pwedeng hindi ka magiging malungkot. Bakit tayo binibigyan ng mga bagay na kukunin naman din satin? At ang pinaka huli, bakit tayo tanga?

Ngayon isipin mo, bakit kaya hindi ka masaya? Bakit kaya pinakawalan mo pa? Bakit hindi nalang pwede kayo? Bakit may mga taong swerte? Kung may isang bagay man na pinaniniwalaan ko, yun ay ang tayo ang director at scriptwriter ng buhay natin. Sa lahat ng mga kowts at walang kwentang kasabihan sa mundo, isa lang ang pinaka sinangayunan ko at yun ay ang “we are what we eat, basically we are what we shit” diba? Totoo naman eh, may mga bagay na tanging “imposibleng mga dahilan” lang ang makakapagexplain. Parang hangin na kahit hindi mo nakikita, naniniwala ka, kase nararamdaman mo. Ganun nga din siguro pagdating sa “LOVE” nagmamahal ka kase…. kase ganun eh. Pero pano nga talaga kung sa 24 hours, 1440 mins, 86400 scs, pinili mo ang kabilang daan? Ang galing noh, life is full surprises, hindi mo alam kung anong meron ang bukas. Ang saya saya isipin na magical ang buhay kahit ang salitang magic ay hindi totoo.

Siguro nga kaya may mga taong naghihiwalay, kaya may “almost” at kaya may nasasaktan kahit hindi naman dapat ay dahil…….

Ewan ko ba. Siguro ganun lang talaga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s