Hey, stranger

WIN_20141226_063634 (2)

Sa isang araw kadalasan tatlo o higit pang beses nakain ang tao, umagahan, lunch, dinner plus na lamang yung merienda o di kaya yung midnight snack na tinatawag. Minsan naman dahil isa kang magiting at huwaran na tao sabay na ang breakfast at lunch na usong uso sa mga kabataan, ang BRUNCH. Meron din namang mga tao na hindi na nagdi-dinner, na pagsapit ng alas sais bawal ng kumain ng kahit ano, sila naman yung mga tinatawag na “diet-ako-pipolz” Syempre di maaalis yung mga taong hindi talaga nakain o yung mga anak ng kalye, mga taong umaasa sa limos, mga taong kumakain mula sa pinagkainan natin, mga street kids, mga “pulubi” mga taong walang trabaho at nakasalalay ang buhay sa mga taong may mababait na puso para mag spare ng kahit kunting barya lang. Mga taong masaya na sa left overs.

Sa isang buong araw ‘di ka mabubuhay ng walang tubig. Hindi ka makakasurvive ng walang hangin. Hindi ka makakahinga kung walang oxygen. Sa isang buong araw bibihira lang ang taong hindi kumakain ng kahit ano. Siguro yung mga gagong nag di diet na water theraphy daw. Pero sa isang buong araw hindi ka mamamatay kase single ka.

Naalala mo ba yung panahong ang tanging alam mo lang ay ang matulog, kumain, tumae,  matulog at kumain uli. Siguro aside from the things na nabanggit ko, nung bata ka, mahilig kang maglaro, magkalikot ng mga bagay na sa tingin mo “cool” na kapag dinala ka sa mcdonalds or sa sa pambansang bida ang sarap na fastfood unang una mong gagawin ay ang hubarin ang sapatos mo at ilagay sa shoe rack (tho gago ako at hindi ako nagaalis ng sapatos ng kasagsagan ng nene days ko) pagkatapos hahanap ng kalaro at paiiyakin to este makikipaglaro dito. Magiging friends kayo, minsan may mga bata na mataba ang utak at ipinapakilala pa to sa mga magulang nila “mommy this is princess, i met her at the slide, isn’t she pretty?” or mga anak pinoy na “mama, si ben, kalaro ko. Tara balik tayo dun” Nakatuon sa utak mo habang nasa bus palang o tricycle o di kaya sa auto niyo na pupunta kang Mcdonalds or sa bida ang sarap fast food para “maglaro” at “kumain” wala kang ibang inisip kung gaano kadaming bata ang makikilala at makakalaro mo, iisa lang ang laman ng utak mo kapag tinanong ka ni mommy o ni daddy ng “o ano gusto mo?” sasagot ka ng “Gusto ko lang naman ng mcdo fries” o di kaya ng “spaghetti!!!!!!!!!” or sa bida ang sarap fast food na “chicken joy mama!” Nung mga panahong yun hindi ka aware sa salitang “love” may mga instances na may dalawang bata na nag meet at nag kiss(pero di nila alam kung anong buong kahulugan ng ginawa nila), mga batang kapag uuwi na mag huhug(wala pang kahit anong malisya) at mga batang mag ba bye-bye sa isa’t isa(pero di iiyak sa huli kase you don’t know when will you see her/him again). Swerte ka nalang kung yung magulang nila tropapiz ni erpats o ermats at magkikita kayo again, maybe tomorrow. Syempre pa wala din sa kokute natin noon kung anong ootd ba dapat ang piliin natin, kung anong pabango ba ang gusto ni bubuyog o ni mcdonalds, kung may pogi bang crew na titingin satin at ngingiti, na kapag binati tayo ng stranger na “you’re so cute” ngingiti lang tayo, sasabihing “thank you po” at hindi na maaalala ang sinabe ng nilalang nayun hanggang sa matapos ang araw. Ang saya isipin na nung bata tayo iisa lang ang problema natin, at yun ay ang “Ma, kulang ng rainbow yung colors ko!!!! L

Saklap man pero hanggang ngayon may mga tao pading nag aastang bata o mas magandang sabihin na isip bata. Nakakalungkot na kung anong nakasanayan at nakalakihan natin na dapat hanggang doon lang sa “stage” nayun, na acquire hanggang sa tumanda tayo at ang mas nakakagago, nagagawa pa ito sa maling paraan.

Kung dati ang alam mo lang ay ang masarap ang chicken joy ni bubuyog, ngayon bago ka pumunta sa teritoryo ng matabang yun, titingin ka sa salamin at hahanap ng OW-OW-TEE-DEE. Oorder ka ng coffee or hotcake sa mcdo tapos uupo at ilalabas ang ipad o laptop or pwede ding book ni john green tapos mag e-earphones at mag aantay ng “ka sparks” (sige na nga since tumanda ka nanaman sa SB ka na pala umorder ng coffee) hindi ka maghuhubo ng sapatos, wala ng shoe rack, wala ng kaibigan na pwede mong i-kiss o i hug o sabunutan o ipakilala sa parents mo. Pero alam mo ba kung anong meron? Madaming strangers, sobrang daming strangers, kadalasan “single” ngayon ang nasa utak mo ay ang makakilala ng mga “pangumpisang acquaintances” “pansamantalang kalandian” “coffee mate” o “KALARO”

Nainom ka ng frappe ng biglang “hey” pag angat mo ng muka mo isang nilalang ang tumambad sa harapan mo. Nilalang na for sure namili din ng OW-OW-TEE-DEE bago mag starbucks. “Hi” pagkatapos nag flash ka ng isang mabangis na smile. (Kase gwapo) sasabihin niyang madalas ka niyang makita dito, sasabihin niyang lage ka niyang tinitingnan, pinagmamasdan, sinusubaybayan, ikaw naman hala sige, go lang, single and ready to mingle. Naging kompatibol kayo sa maikling oras, nagpalitan ng tawa, (pati pala phone numbers) lumipas ang ilang araw at kung yung dating senti aura mo sa sb ngayon may significant someone na katable. Masaya kayo, Masaya ka, busog ka lage dahil malimit siya manlibre, busog ka lage sa matatamis at sweet nothings niya, sa tric or sa auto mo palang iniisip mo na lahat ng bagay na ni rehearse mo ng sabihin sa kanya sa bahay palang, Masaya ka, Masaya ka talaga. Bida ang saya kapag kasama mo siya. At yung best feeling ever… “Love ko ‘to”

Dumating sa point na gusto mo na siyang ipakilala sa parents mo, sumang ayon siya, Masaya ka kase alam mong gusto niya, at seryoso siya. Kinausap mo si dad, mabait ang daddy mo, kinausap mo si mom, umu-oo siya. Naka set na ang meet the parents. Sabi mo sa kanya “8:00pm, dinner at my place J” sumapit ang 8pm nakilala na siya ng iyong mom at dad. Masaya ang dinner, sobrang saya. Nagkaroon pa kayo ng quality time dalawa pagkatapos ng isang masarap na luto ni manang at inday. Umuwi siya ng late, nasa kwarto ka iniisip ang mga pangyayare, pakiramdam mo isa ka sa mga taong may dahilan na ang buhay. Swerte ka, at mabait ang mundo. Sinara mo ng dahan dahan ang mga mata mo habang binibigkas ang mga salitang “ang gusto ko lang habambuhay ay ang mc….mc…..mc….mckasama ka”

Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayare…. out of the blue nag away kayo, isang matindeng away. Nagsagutan kayo, nagmurahan pa nga. Nasaktan ang damdamin ng isat isa. Pagkatapos, nagkabati. Ang bilis! yung spur-of the-moment nayun naintindihan niyo ang salitang “patawad” pero ikaw ang sumuyo. Kinain mo ang pride mo, napakalutong, napaka alat pero wala eh, nahulog ka na sa isang bagay na wala sa utak mo noon, Love.

Patuloy ang pagmamahal, kung dati sabay kayo mag breakfast at mag lunch ngayon wala na, nakasanayan mo na tuloy mag BRUNCH. Sa sobrang kakaisip mo bat hindi siya nagtetext nag i-iskip ka na ng dinner at nakakatulog nalang. Hindi ka naman nag di-diet pero you always miss out meals. Paglabas mo ng Jollibee o mcdo o SB, may mga batang hihiling ng barya sayo at imbes na bigyan mo sila ng pera, ibibigay mo yung pagkain na kapiraso lang ata ang nagalaw mo. malungkot ka, malungkot talaga. Iisipin mo na isa lang tong pagsubok, na isa lang tong obstacle na masosulusyunan niyo ding dalawa. Pero parang sa buong puzzle na to, ikaw lang ang kumikilos… parang pagkain, pakiramdam mo isa kang left over..

Nangyare na ang dapat mangyare, naghiwalay kayo. Pagod ka na. Nabigkas na ang mga salitang kinakatakutan mong hindi dapat mabigkas “Bye-bye” hindi na bida ang saya, wala nading love ko ‘to ngayon ang meron nalang “kanin na may ulam, ulam na may kanin!” andoks. Parang noon lang, meet-eat-run. Masasabi mo nalang sa sarili mo na “t*ngina sana may shoe rack nalang” saklap na binigay mo ang lahat, sakit isipin na akala mo magiging okay na hanggang dulo. Akala mo perfect ang lahat ng bagay between you and him. Akala mo swerte ka. Akala mo seryoso siya. Akala mo kumpleto na ulet yung colors mo. yun pala… wala naman talagang rainbow sa box ng krayola. Isa lang pala siya sa mga taong magiging “KALARO” mo. Isa sa bilyong bilyong tao na meet mo at iiwan ka eventually. Buti nalang hindi friends ang family niyo kase baka di ko na matapos ang blog na ‘to J

Matapos ang lahat ng bagay na naranasan mo may isang bagay kang narealize, at yun ay ang wag itapon ang left overs. Plus masayang maging single! On the other hand okay nadin na ha heart broken dahil pumayat ka at sumesexy lalo. Pero ang pinaka the best na lesson na natutuhan mo ay..

Hangin, pagkain, H20, pwede naman akong mabuhay lang ng ganto. Pero dahil gago ako ang pinaka the best at the best talaga ay alam mong pwede ka ulet mag SB (or travel around MNL ) bukas at maka meet ng panibagong….

Hey stranger, nice to meet you!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s