WAYS

sayo1blank1

Sabi sa blog na nabasa ko merong 20 paraan para maging isang responsableng mamamayan ng Pilipinas. Nangunguna doon ang “follow traffic rules” at ang pinaka huli at mahalaga “Make an honest vote” Sabi din sa isa pang blog na hinangaan ko, merong 365 ways to conserve energy. Unang-una doon ang “Turn off your lights and any electronics when not in use” at syempre “Recycle”. Pero ang pinaka cool sa lahat ng cool na naembento ay ang 21 ways to be happy. Hinakot ng blog nayun ang atensyon ko, inukopa ng mga salitang “ Be your own BFF” lalo na ng “Smile and move on.” Plus ang “enjoy little things.” Iilan lang yan sa mga makabuluhang mga blog na nasa internet at maari mong mabasa ng libre. Mga blog na pwedeng bumago o sumira ng buhay mo. Kadalasan na malake ang impact ng mga ganyang blog lalo na sa kabataang tulad ko. Well, siguro yung sa conserve energy, di gaano pero diba kung may isang bagay tayong parating ginagawa sa isang araw, o iniisip rather, yun ay ang “bakit?” at “papano?”

Sabi sa philosophy class ko, ang mga tao daw ay nabuhay na ignorante. Totoo naman, lahat tayo ay naging tanga ng iluwal tayo ng reproductive organ ng dakilang babae, ang magiting nating ina. Bakit, nung nilabas ka ba alam mo na agad kung anong square root ng 25 o ang ohm’s law, alam mo na ba na magkaiba ang puno at puno(mabilis yung isa) naka program na ba sa utak mo na si albert einstein ang pinakamatalinong tao na nabuhay, aware ka ba na meron atom at cells, o kahit ang simpleng meron tayong “feelings” na later on mag bo bloom, na yung “feelings” na yun gagana, matuto ka magmahal at masasaktan. Syempre ni isang bagay diyan, hindi pa natin alam. Ang alam lang natin, o ang alam lang ng katawan natin ay umiyak. (nung nilabas tayo ni mama)

Ang galing noh? Hindi mo ba naisip nung nailuwal tayo, bakit kaya naiyak tayo, ewan ko di ko naman matandaan yung feeling eh, pero bakit nga ba naluha tayo imbes na naka smile? Masakit ba? O dahil masaya tayong nakalusot na tayo? Naisip ko lang napaka precious ng moment nayun. Umiiyak ako kahit wala namang dapat ikaiyak? Ang gago noh? Siguro nga abnormal lang talaga ako pero diba? Ang saya isipin na ang unang stage ng buhay mo, ang ginawa mo ay umiyak. Umiyak ng umiyak, at matulog.

Ano bang point ko? Ewan ko din, kailangan ba lageng may point ang mga bagay bagay? Haha fuck logic. Kung love nga walang concrete na definition bakit pa ako mag sasayang ng oras para bigyan ng saysay ang walang kwentang blog na to? Simple lang naman kase ang buhay, kung tutuusin may tatlong rules lang ang bigay diyos na regalo na to, Una ay ang love everyone(syempre including God) Pangalawa, forgive at sunod eat, eat as much as you want kase you never know what will happen tomorrow. Pano mo malalaman na napakasarap ng burger nayun kung inuna mong lumandi ng araw na to kesa kumain, o di kaya yung ice cream doon na one of a kind kaso ayun nasa twitter ka post ng post ng walang kwentang mga bagay. Diba? Tama naman talaga eh, life is simple, tayo lang ang nagpapakumplikado nito. Kase nga.. kase nga ano ba? Kase gago tayo? (siguro) search mo nalang din sa google siguro naman may 20 or 10 ways why. HAHA. Galing noh, isang type at click mo lang, viola! Ang dali ng buhay pero bakit madami pading mahirap? Ang daming bigas pero bakit may nagugutom? Ang ganda ng boracay pero bakit di padin naunlad pinas? Buhay si Senator Miriam pero wala pading forever, May Ateneo, lasalle, UP, at ust pero meron pading out of school youths, may google pero hindi lahat ng bagay alam mo, may 20 ways to be a good citizen of the philippines pero bakit madami pading tarantado? May 365 ways to conserve energy pero bakit ganun? Nagkakaroon padin ng shortage at naghihirap? May 21 ways to be happy, pero napakadami pading nagpapakamatay? Siguro nga nasa satin talaga ung problema. Siguro nga “life is a big problem” SIGURO NGA mahirap yung “turn off the lights when not in use” parang LOVE, wala namang switch ang puso, na kapag ayaw mo na pwede mong i-off. Yung “follow traffic rules” tanggalin mo yung “traffic” pero kase dun palang imposible na eh, number one problema kaya yan ng magiting na bansa natin na no matter what you do you just can beat that shit. Traffic > forever. Yung “be your own BFF” madali bayun? Siguro sa iba, oo. Pero bat pa nauso yung no man is an island? Parang ang hirap kung wala siya, si ganto, si ganyan, sila, kami. Parang ang hirap kung ikaw lang, mas masaya padin yung may isa pa. Lalo na yung kashittan na “Smile and move on” Hirap naman maging fake everyday, smile ng smile deep inside sunog na, tapos sabi move on, eh bat may nauusong “memories” hayys, ang gago noh? Pero ang saya. Ang galing, kakaiba. Sana pwedeng recyle nalang, para kapag nagamit ko na, pwede ko pang ulitin. Sana lahat ng bagay may second chance. Sana pwedeng ulitin, sana pwedeng bumalik. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana kapag mali yung nagawa ko, pwede ko i rewind at itama eto. Sana may 1 way to go back in the past and be happy. Oo nga noh? Pwede namang pala maging masaya, kung lahat ng bagay pwede “i-recycle.” Ibig ko sabihin….

 

Balikan, at ulitin. ITAMA.

Ewan ko ba, sana pwede nalang umiyak. Umiyak ng umiyak at matulog.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s