Hayaan na

 Ang factor ng 2x+ 6 ay 2(x+3). Kapag sinimplify mo ang 5x+x-3 ang sagot ay 6x-3. Kapag hinanap mo ang x sa equation na x+ 1 = 3, magiging x = 3-1 so bale x is equals to 2. Sa physics merong tinatawag  na specific heat at bawat substances may kanya-kanyang sh kagaya ng aluminium, meron siyang 900 J/kg. o C. Ang ice meron siyang 0.500cal/g. o C

Sa palengke bawat tinda may presyo, sa school bawat subject may lesson, sa daan lageng may sasakyan, sat v may channels, may choices. Sa exam may sagot. at mi ultimo ang katawan ng tao at mga organ sa loob nito ay may kanya kanyang dahilan.

Sabi nila ang mathematics daw napakahirap. Well, sige sabihin na nating mahirap nga. Kase hindi lang naman iisa ang branch ng math. May algebra, may trigo, may geometry, may statistics, may calculus tapos ang malala minsan may mga pinaghalo halo pa kagaya ng accounting, plane and spherical trigonometry o kung ano ano pang pwedeng ni mash up ng mga mahuhusay na mathematician. Nung highschool marahil sinusumpa mo si rene descartes dahil sa paggawa ng mga lintek na equation na dahilan ng summer class mo. Nagagalit ka sa mga polygons, sa mga letters na may numbers, sa proving sa geometry, at sa parallel lines. Pero wala kang choice kase you need to answer the paper in order to pass the exam. Nasa kalagitnaan ka na ng trigo exam mo ng sabihin mo sa sarili mong “di ko na kaya” punong puno na ang yellow pad mo ng equations numbers triangles letters plus nalang siguro yung doodle. Ang haba haba na pero tila mali padin yung nakukuha mong sagot, ang sakit na ng feeling ni calculator sa kakapindot mo sa kanya. At dahil sabi ni ma’am “5 minutes left” napilitan kang ipasa.

Paglabas mo ng room niyo napasabe kang “puta, bagsak nanaman ata ako” pero tapos na. Napasa mo na. Mga ilang araw nakalipas ibabalik na ni ma’am ang test paper. Tinawag ang surname mo, natanggap ang papel. Bagsak ka, 2 points nalang sana. Chineck mo yung number 9,…. mali. Mali ang number 9. nag re check ang klase inexplain ni classmate kung pano nakuha ang sagot. may concrete equation, may computation, may formula, given ang mga dapat given, may exact amount ang sagot. malapit ka na. Sobrang lapit. Pero wala. Wala na. Pasado ka sana. kaso wala ng 5 minutes left.. matagal ng tapos.

Nakakatuwa nalang minsan na isipin na bawat tao sa paligid mo ay once nading gumawa ng isang desisyon na mali. Isang desisyon na hindi napagisipan. Desisyon na napilit lamang. Isang malakeng desisiyon na bumago sa kung anong meron. Ang galing diba, lahat ng tao may kanya-kanyang storya. Na lahat ng tao may sad memories, na lahat ng tao may kanya kanyang problema. Na lahat ng tao nag su-suffer din. Bibihira nalang siguro yung mga taong hindi pa nakakaranas o hindi pa nararamdaman ang salitang regret. Bakit nga ba mahirap magdesisyon? Simple lang. Kase ang buhay parang scenario sa itaas. Parang math exam. May problem, may solution, nagbigay pa ng formula, given ang lahat ng kailangan. May computation at higit sa lahat may sagot. Pero bakit madami pading nagkakamali?

Choices. Sa dinami dami ng pwede, hindi ka na makapamili. Hindi mo na alam kung ano bang mas the best. Hindi ka na sure kung alin ba ang tama. Kase unlimited. Unlimited ang choices. Kaya madalas isanasabahala na lang. At madalas din palpak. Simple lang kung tutuusin ang algebra. Pero dahil narinig mo na magkasama ang letters at numbers, ayaw mo na. Parang buhay, simple pero kumplikado. Sana ang buhay parang google, may sagot sa lahat ng  bagay. Sana ang buhay parang wifi, nasasakop ang lahat. Sana ang buhay parang ice cream para nice. Hindi ko alam. Nonsense. Ano bang point? Wala. As usual, Malabo. Magulo. Hindi konkreto.

Hayaan na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s