Past

 Ang salitang “Goodbye” ay isa sa pinaka stupid at bullshit na salitang naembento. Minsan pinipigilan kong sabihin ang mga katagang yan kapag nagpapaalam. Nakakainis lang kase na hindi ka nabigyan ng chance o choice na sabihin nalang “bad bye” or “awful bye” or  “horrific bye” pwede ding “terrible bye” everytime na aalis ka obligado at mas formal na sabihin ang “Good bye” sabi nila it’s supposed to be a good one(always supposed to be a good one). Well, kung ako ang tatanungin, parang hindi naman ata..
Naalala mo ba yung mga panahon kung saan ang pinoproblema mo lang ay kung anong pagkain ang ihahain ng mommy mo at kung sino ang  mga magiging kalaro mo? Parang ang sarap maging bata uli, kung saan wala kang ibang inisip kundi ang kumain, matulog, maglaro, tumawa, at syempre tumae. Parang ang saya balikan yung mga panahong nakahiga ka lamang sa kama, dumedede sa bote man o sa suso ni mama. Naalala mo din ba yung mga panahong una kang pinasok sa pinaka hate mong place, kung saan nakakilala ka ng mga “kaibigan” at natuto mag ABC, para ang sarap balikan yung mga panahong, nasa paaralan ka at nagsusulat ng whole name mo sa puting bagay na madaming linya. Naalala mo din ba yung unang beses na madapa ka at magkasugat? Yung mga panahong nilagyan ni daddy ng alcohol at napasigaw ka sa hapdi?. Yung panahon na una kang nag ka crush? Sa gwapo mong kaklaseng naka braces at salamin. Sa maganda mong seatmate na amoy bambini cologne. Yung unang beses ka pagalitan ni teacher dahil kumain ka ng papel at binubuga eto? Yung unang haircut mo na nagustuhan ni seatmate, Yung unang love letter, unang prom dance, unang kiss, unang kilig text message, unang trigonometry-bagsak-exam. Unang detention, unang suntukan? Unang girlfriend? Pangalawa? Pangatlo? Naalala mo din ba yung panahong ilang buwan na lamang at ga graduate ka na, iiwan ang highschool kung saan nagkatigyawat ka, nagka pasa, nagka crushes, nagka bagsak(bagsaks), nagka lahat ng una. Naalala mo din ba yung panahon na umiyak ka dahil maghihiwalay na kayo? Yung panahong naging seryoso ka kahit sandali sa pagpili ng kolehiyong papasukan mo? Yung panahong pumipili ka ng kursong huhubog sa kinabukasan mo? At yung panahong pumasa ka sa dream school mo? Naalala mo ba na pagtungtong mo ng kolehiyo eh natuto kang mag yosi, mag alak, mag… Nalala mo ba lahat ng absences at cutting classes. Mga panahong tumatambay ka lang kung saan para magpalipas ng oras, mga panahong hindi ka nakikinig sa klase, mga panahong nag lalaro o nag seselfie ka, mga panahong nangopya, at nagpakopya ka? Mga panahong naging crush mo ang prof mo, mga panahong nakainuman mo ang prof mo, mga panahong buo ang barkada, mga panahong may magandang babaeng pinakilala sayo. Mga panahong imbes na singko, tres ang nakuha mo. mga panahong nag ojt ka. mga panahong nagseryoso ka para sa bar exam, mga panahong nag thesis ka at wala ng tulog, mga panahong napakaganda ng eye bags mo, mga panahong nag a-apply ka, mga panahong walang kain, mga panahong halo halo ang nararamdaman mo, mga panahong gusto mo ng sumuko, mga oras na gusto mo na lamang mawala, mga araw na hindi mo na alam ang gagawin, mga pagkakataon na wala ka ng masandalan, mga sandaling tila wala ng pagasa, mga taon na sobrang sakit, buwan na gusto mo na lamang matapos, mga segundong ayaw mo na lamang magisip. Mga panahon na masakit ang puso’t isip. Mga panahong siya lamang nasa isip. Mga panahong hinding hindi mo makakalimutan. Matamis, malungkot, maalat, Masaya, maginhawa halo halo ang naramdaman mo sa lahat ng bagay nayan. At eto ka ngayon, buhay. Hindi sumuko. Hindi tumigil….Hindi, Hindi padin regular sa trabaho. (at least may trabaho)

Ano bang point ko?

Ng matapos ang araw ng kasiyahan, kinalangan mong mamaalam. Kailangan mong sabihin ang mga salitang Good bye. Pero dahil gago ka kagaya ko, pinili mong sabihin ang ‘see you again’ at till next time. Pagkatapos naalala mo na nung bata ka, di mo pa kayang bigkasin ang good, kaya sinabe mo ang mga salitang bye-bye.

Madalas ko isipin kung bakit may mga taong ayaw ng alalahanin ang  nakaraan, Kung bakit may mga taong nag momove on. At kung bakit may mga taong galit sa nangyare eh kung tutuusin “tapos” na naman. Sa huli nasa sa iyo padin ang desisyon kung paano mo tatapusin ang araw mo. Dahil ang nakaraan ay hindi basta memorya lamang. Ikaw ay si ikaw dahil lahat ng yun ay nangyare, dahil lahat ng yun ang nagsilbing daan, dahil yun ang humubog sa isang kagaya mo. nasa sayo naman kase ang kakayahan kung paano mo itatama ang mali, kung paano mo babaguhin, pagbubutihin, pasasayahin at kung paano mo tatapusin ang naumpisahan.

Good bye?

Nah.

Sayonara! 😂😂😂😂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s