Unbearable

May mga bagay sa mundo na pinagsisisihan natin. Mga bagay na sana may second chance para pwede kang magsimula muli. Mga gagong desisyon na bara-bara matapos lamang. Mga pagkakataon na napapatanong ka nalang bakit? Bakit nga ba?

A typical healthy male releases about five million sperm cell. Sa bawat ejaculation may limang milyong sperm cell na nagsasaya sa paglabas. Imagine five million. Nakakatuwa isipin na sa unang stage pa lamang ng ‘buhay’ sumabak ka na sa isang karera. Isang karera na hindi lamang dalawa, tatlo, anim o sampu ang kalaban mo. Kundi milyon. Isang karera na pagkatapos pala ng finish line saka pa lamang magsisimula ang totoong starting line. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa fact na sa milyon milyon na sperm cell ni papa ako ang  nagwagi. Pano pala kung mas better yung nasa 2nd place or 3rd place. Pano kung mas deserve pala nila yung buhay na meron ako ngayon. Pano pala kung hindi ako ang nabuo?

Ang buhay ay hindi choice. Pano ba naman kase ng ipagbuntis ako ni mama, Hindi naman ako tinanong kung gusto ko bang mabuhay o wag nalang. Hindi naman ako nalatagan ng mga consequences or taxes na mangyayare at babayaran ko pag pinili ko na lumabas. Hindi ako na inform na polluted ang pilipinas. Hindi ako na orient na pagkatapos pala ng ‘jeje days’ ko eh magkakamalay ako at magiging big deal mi ultimo maliit na bagay at higit sa lahat, hindi ko naman alam na ganto pala ang mangyayare.

Second chance. Sabi ng kaibigan ko hindi daw deserve ng boyfriend niya ang second chance. Sabi pa niya walang saysay ang sorry kung lage mo namang ginagawa ang isang bagay na mali. Tanga lang daw ang mga tao na nag so sorry. Bakit? Alam mo na ngang mali, bakit mo pa ginawa? Dalawa lang naman yan eh. Its either gusto mong subukan or inborn ng tanga ka. (well technically we are all stupid)

Balik tayo sa usapang sperm cell. Ng magwagi ang mala tadpole na something at nabuo ka, tinawag kang isang biyaya. Isang precious na biyaya. Isang bagay na mahalaga. Isang bagay na nag fufunction na. Hindi ka na lamang basta basta. Isa ka ng ganap na ‘something’ at pagkalipas ng ilang buwan, sasabak ka na sa tunay na karera.

Madalas ko tanungin ang sarili ko ng mga tanong na alam ko din naman ang sagot. Sobrang ironic ng  buhay noh? Alam naman natin yung problema pero di natin sinusolusyonan. Alam naman natin ang sagot, pero mas pinipili nating hayaan na lamang. Minsan di ko gets eh. Di ko gets ang buhay. Kung tutuusin nga kung lalatagan mo ko ng isang malupet na math problem mas pipiliin ko pang sagutan yun kesa isipin kung bakit nagkaganto ang buhay ko. Nahubog naman akong tama. Kumpleto. Pero bakit hindi perpekto? Isa akong tadpole na makasalanan. Isang bagay na hindi nga pinagsisihan (unless maaga nabuntis nanay mo at isa kang pagkakamali) pero wala namang kwenta. Isang useless na nilalang, isang tangang bata na pinaglaanan ng edukasyon at pinalakeng tama pero pinili padin maging gago. Sa tuwing may mga bagay na magpapaalala sakin sa nakaraan o sa mga bagay  na nagawa ko at alam kong di dapat. Tatanungin ko ang mundo, bakit? Bakit kailangan lage mokong saktan?

Tumatawid ako sa tamang daanan, umuuwi sa tirahan, nagpapaupo ng matanda sa bus, nagbibigay ng barya at biscuit sa nangangailangan, pumapasok sa eskwela, sinusunod ang magulang, nanlilibre, nakikinig sa guro pero bakit lage padin akong nasasaktan?

Pwede namang wag nalang, pwede namang siya nalang, pwede namang hindi na natuloy, maaari namang mapigilan, pero bakit kailangan magkaganto?

Unbearable. Siguro nga may mga bagay lang na hindi mo pwedeng iwasan. Na nakatakdang mangyare. Na hindi pwedeng I –skip. Mga bagay na kailangan madaanan mo muna para malaman mo ang katotohanan. Na kahit masakit, Na kahit mali. Walang shortcut ang  buhay. Siguro nga kailangan lang. Siguro nga dapat lang. At siguro nga tanga lang talaga tayo.

Ang buhay ay isang malakeng racing track. Madaming obstacles, hindi lang ikaw ang nakikipaglaban, may possibleng mga panganib, at higit sa lahat walang kasiguraduhan ang pagkapanalo mo. Bakit? Kase unbearable.

Anong point ng walang direksyon na blog na ‘to?

Hindi ko alam. Basta ang alam ko kahit hindi pako nakaka graduate ng kolehiyo, kahit kakaunti lang ang achievements ko, kahit lumake na tayong gago, kahit ikaw na nagbabasa nito ay walang stable o permanenteng trabaho, kung broken hearted ka man, kung pakiramdam mo wala kang kwentang tao, kung puro problema nalang araw-araw ang nakakasalamuha mo, kung kunti nalang papatiwakal ka na, kung pakiramdam mo wala ka ng nagawang tama at di mo deserve na mabuhay… mali ka, mali din pala ako.

Ng makipag karera ka sa limang milyong mala tadpole, ikaw ang nagwagi. At yun ay dahil ikaw ang dapat, at mahalaga ka.

Wag mo isipin na kaya nagkakaganto ang buhay mo ay dahil pinanganak ka para maghirap, pain demands to be felt ika nga ni short hair mula sa libro ni John Green. Kapag sinabe mong unbearable you mean that it is so unpleasant, painful, or upsetting that you feel unable to accept it or deal with it pero kailangan. Bakit?

Ewan siguro dahil kahit it’s unbearable, dapat mong tanggapin.

Dapat at kailangan. 

Advertisements

One thought on “Unbearable

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s