BUSLOT

Kasalan bang umibig?

Kagaya ng pagaaksaya ng tubig?

Kasalanan bang magmahal?

tulad ng paglimot sa pagdarasal?

Dumatal ka sa akin ng ako’y mahina

Pinasaya ang piling, nagsilbi kang tala

Kapag ika’y kasama para akong pinagpala

Sobra sobra, Salamat Bathala.

Gumawa tayo ng memorya’t bumuo ng storya

Nangakong hindi iiwan ang isa’t isa

Kagaya ng mantra “Sa hirap at ginhawa” 

Sa huli sabay nating binigkas ang mga salitang “Mahal kita” 

Pagiibigan natin akala ko’y perpekto na

Sabi nga nila, maihahambing na sa pelikula

pero bakit bigla bigla, ika’y naglaho

Iniwan magisa, durog ang puso.

Ako ba’y isa lamang sa iyong mga kinokolekta?

Kasabay ng ibang kababaihan, siguro ika’y may roleta

Sa Lunes si Maria?, Sa Martes si Liza?

Aba, tangina pala.

Nahulog ako sa buslot

Nabihag ng iyong mga salitang mauhog

Mali, Naapuhap ko pala ang taong bibilog

At bubutas sa puso kong durog.

Agam agam ko’y hindi ka malimutan

Masaktan at mahirapan ng lubusan

Tuwing naaalala ko ang iyong kagaguhan

Damdamin ko’y naguumapaw ang sarap mong banatan.

Ako’y nabuslot

Ng isang gagong salot

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s