Pagod

Nakakapagod. Nakakapagod gumising sa umaga intindihin ang langit at umpisahan ang isa nanamang panibagong araw na hindi batid ang dahilan kung bakit buhay pa. Nakakapagod. Nakakapagod maginit ng kape ihalo ang asukal at creamer intindihin kung bakit kailangan ng iba pang bagay para maging Masaya, na bakit hindi pwedeng ang isa ay sapat na? Nakakapagod. Nakakapagod tingnan ang mundo isipin ang mga panibagong problema na haharap paglabas mo. Nakakapagod mi ultimo pagpili ng damit na susuotin mo kung paanong titingnan ka ng mga taong mapanghusga’t pintasero. Nakakapagod. Nakakapagod mag ayos ng sarili mo dahil alam mong kahit anong retoke ang gawin mo mananatiling wasak ang loob mo. Nakakapagod makasalamuha ang mga taong akala lahat ay kontrolado, planado. Oo planado. Planado ang isang araw kung saan nakapaloob sa utak mo na ngingiti ka dahil kailangan nila nito, Tatawa ka dahil maaring mahawa sila rito. Na pipilitin mong itago ang maitim na bagay na patuloy na bumabalot sa puso mong iniipit at tinutusok…. nakakapagod, nakakapagod na hindi maging tunay na ako. Nakakapagod. Nakakapagod magisip kung saan kakain kung paanong nakakapagod din mamili, magdesisyon, at sabihin ang mga salitang oo sa mga bagay na hindi planado. Nakakapagod maging gago. Nakakapagod maging ako. Tangina nakakapagod. Nakakapagod isipin ang mga taong mahalaga sayo, nakakapagod, nakakaiyak, nakakalumo na isipin na kung sakaling maisipan mong umalis sa mundong ito, iiwan mo ang iilan na balisa’t tuliro. Pagod. Wasak. Durog. Nakakapagod. Nakakapagod magkabisado at umalala kung anong tamang sagot sa peryodiko na hindi ko naman ginusto kung paanong nakakapagod alalahanin ang mga alala na dapat naman noon pa’y limot na. Nakakapagod maging tao. Nakakapagod mabuhay sa mundong hindi ko alam kung anong gusto. plano. Pagod. Pagod na ako. Nakakapagod. Nakakapagod magbiyahe kung paanong nakakapagod na gumalaw sa pang araw araw. Hindi ba nasasayang lamang ang mga lakas ko sa mga bagay na alam ko namang maglalaho? Nakakapagod. Nakakapagod humikbi, umiyak. Nakakapagod pigilin ang bawat luha na pilit kumakalas mula sa mga matang tila lason na. Nakakapagod na maging puno at sumabog na lamang. Nakakapagod MAGSERYOSO. Nakakapagod pagandahin ang blog na to kung paanong napagod ka din sa pagpapaganda ng relasyon na iniwan at binalewala, wala na ba talagang kwenta ang isang kagaya ko? Nakakapagod tapusin ang blog na to kung paanong napagod ka din sa isang bagay na pilit at pinagbubutihan kong patagalin. Pero ano? Napagod ka, Napapagod nadin ako.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s