Duyan

duyanGumagalaw, Umiikot, urong sulong, Unahan, likuran. Bibilis, babagal. Kalaunan titigil, Hihinto, Matatapos.

Pinanganak ako sa mundo na walang muwang. Napagkasunduan buuin, pinlanong gawin. Nabuo, ikinatuwa, nailuwal. Hindi alintana ang mga problema ng bansa. Polyusyon, Korupsyon, trapiko, edukasyon, mi ultimo tao.

Naranasan mo na bang maglaro sa parke? sumakay sa isang duyan? Itulak ang sarili sa pamamagitan ng sariling mga lakas. Sariling pwersa para maugong ang sarili papunta at pabalik. Siguro naman hindi na bago sayo ang proseso para mapagana ang metal na bagay na ito. Unahan, likuran masaya ka sa pagalaw, sa pagdama ng hangin sa magkabilang pisnge, tila umiikot ang buong katawan na para bang papunta na sa paglipad. Urong, sulong ang duyan. Bibilis, babagal depende sa kung gaano ang nilalaan mong lakas sa pagpapatakbo ng duyan na ‘to. Ngunit kahit gaano kasaya, nakakalungkot isipin na titigil ka, hihinto ang mga metal na bagay. Mapapagod ka sa kakatulak ng sarili mo. Magsasawa sa unahan, likuran. Mawawala ang pagikot ng mundo mo. Matatapos din ang pag ugoy nito.

Lumake ako na may mga magulang, may kapatid, may tirahan, may mga materyal na bagay, nag aaral, araw araw nakakakain ng ayos, araw araw nabibigyan ng tyansa na mabuhay. Isang normal na tao. Pero sa kabila ng lahat ng ito, bakit tila pakramdam ko’y maling nabuhay ako. Kung maari lang sana balikan yung mga panahong nasa sinapupunan pa lamang, mga panahong silyado pa ako sa loob, na sana bago ako lumabas may alam ako sa kung ano ang kahahantungan ng buhay ko. Sana napanuod ko muna ang sariling talambuhay. Sana alam kong pagsisisihan “ko ito”, iiyakan ko “yun”, at paulet ulet madidismaya sa mga bagay na pinangarap ko pero mananatili na lamang sana. Kung batid ko lang na sa bawat araw kukwestyunin ko ang mundo, tatanungin, Bakit? Bakit nga ba nabuo pa ako? Bakit nandito ako? At bakit patuloy mo sinasaktan ang damdamin ko? Bakit kaya di mo nalang tapusin ang buhay na ‘to?

Duyan. Siguro nga ang buhay ay maihahalintulad sa duyan. May mga punto na uurong, susulong. Pagkakataon na nasa unahan pero malimit sa likuran. Patuloy na gumagalaw, depende sa kaya mo, sa lakas na inilalaan para mapanatiling umaandar ang bagay na ikinasasaya mo. Duyan na gagalaw, iikot, bibilis, babagal, hihinto, at matatapos. Parang buhay, parang ako.

Dati rati akala ko lahat kaya ko. Meron akong matibay na pundasyon at sapat na lakas para paganahin ang duyan, ang sarili, na gawin ang mga bagay na gusto ko. Na ikakagalak ko. Ang lakas ng loob kung subukan magpaurong sulong. Umikot. Harapin ang unahan at tanggapin ang likuran. Sa sobrang saya na naidulot ng pagikot, ng mga bagay na nakikita ko, habang akala  ko kontrolado ko na lahat… Hindi pala sapat. Mali, Hindi pala DAPAT. Hindi pala dapat gumawi ng ganito, masyado akong nabulag sa saya, sa mga bagay na nasa unahan. Hindi ko naisip ang gitna at likuran kung paanong hindi ko napansin ang sarili, napahalagahan, na oo nga pala isa lamang akong tao, napapagod, Na oo nga pala di naman sakin ang buong duyan…

Bumagal ang pag ugong, huminto ang pagikot, tumigil ako. Oo, tumigil ako. Naubos ang pwersa ko na ipagpatuloy kung ano na ang naumpisahan, napagod na ipagpatuloy ang pagugong, ang mga bagay na gusto ko makamit. Nakalimutan ko, nakalimutan kong hihinto din pala ang duyan, Mali! Hihinto pala ako sa pagduyan…

Dahil,

Dahil may nakasunod sa akin. Nag aantay na maranasan ang mga ngiting nakaguhit sa mga muka ko habang ako ang nakaupo. Kaya naisip ko, na kagaya ko may karapatan din ang taong ‘to na maranasan ang saya, ang tuwa, at ang pag galaw ng mundo.

Pinili kong tumigil. Pinili kong pasayahin ang iba kaysa pansariling kagustuhan. Pinili kong huminto, Pinili kong iwan ang duyan para sa ikasasaya ng iba.

nawala ang ugong.

Tumigil ang duyan. Napagod ako. Hindi ako nagpahinga, Nagparaya ako sa iba.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s