Luha

Naranasan mo na bang humagulgol? Nakahiga sa silid at yakap yakap ang mga unan na basang basa. Pugto ang mata. Pula, dugo, durog.

Naranasan mo na bang umiyak? Magisa sa isang lugar kung saan huli kayong nagkausap hawak hawak ang huling ala ala? Wasak, biyak ang puso.

Naranasan mo na bang lumuha? Bigla bigla, kusa. Para bang routine na hindi na maalis sa pang araw araw. Dusa, ang sakit sakit na ba?

Naranasan mo na bang masaktan? Na ang dating luha ay nagiging hagulgol, na kahit anong pigil lalabas at lalabas ang mga patak mula sa mata dadaloy sa pisnge at pagkatapos?

Ano nga bang dulot ng luha? Bakit nga ba nagsasayang ako ng tubig sa isang bagay na hindi na naman mahalaga. Sa isang bagay na wala na.

Ano nga bang dulot ng pagiyak? Hindi naman nito matutumbasan ang kahit ano, hindi naman maibabalik ang dating meron tayo.

Ano nga bang dulot ng paghagulgol? Sinasayang ko lamang ang mga oras ko sayo, sa pagmukmok sa kwarto. Parang isang ulol.

Wala na. Tanging memorya at ala ala na lamang ang natira na pilit kong niluluhaan pa. Hindi ko ba maintindihan na ang dati ay tapos na.

Hindi ko nais na malaman mo pa kung gaano ka naging mahalaga. Hindi ko narin nais na makita pa ang mga mukang nagbigay ligaya sa buhay kong noon pa ma’y sira na. Hindi ko na nais umiyak pa sa umaga, hapon, at gabi dala dala ang mga  masasaya at masasakit na ala-ala. Gusto ko ng makalimot, ayoko ng mabalot ng lumot at sapot na iyong dulot, ayoko ng umiyak.

Gusto ko ng umusod, ayoko ng maging isang uod na mabagal sa paglimot, ayoko ng humagulgol.

Gusto ko ng lumaya, ayoko ng alalahanin ang nakaraan na pilit akong dinadaya, ayoko ng lumuha.

Ang huling luha na ‘to, ang tubig na ilalabas ko ay tatangayin ang lahat ng binuo nating mga pangako. Ang huling luha na ‘to ay ilalabas lahat ng hinanakit at sakit na nararamdaman ko. Ang huling luha na ‘to ang tatapos sa lahat ng dalamhati’t paghihirap ko. Ang huling luha na ‘to ang magsisilbeng huling pagmamahal ko.

Pagod na akong mahirapan. Pagod na akong masaktan. Pagod nako sa paghagulgol. Pagod na ako sa pagiyak. Pagod na akong lumuha. Pagod na ako.

Ang huling luha na ‘to ay para padin sayo at sa pagpatak ng huling tubig mula sa mga mata ko… Tang ina mo.

(Para sa mga nasaktan, niloko, ginago, tandaan kahit ang mga luha, ang mga tubig nayan ay nasayang, wag kalimutan sabi nga ng maynilad: Dadaloy din ang ginhawa)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s