Tama na

Tama na

Natatawa na lamang ako sa tuwing maaalala ko ang mga panahong masaya pa. Hindi ko mapigilan na isipin ulet ang mga ala alang dapat limot na. Bakit tila parang gusto ko pang tikman, ang lasa, ang saya, ang pakiramdam, ang nakaraan kung saan ang lahat ay “totoo pa”

Tama na

Masisisi mo ba ako sa tuwing may bagay na magpapaalala sayo at wala akong ginawa kundi humiling sa langit, sa lupa, sa kung ano mang santo, engkanto, demonyo, aso para nakong ulol umaasa na maibabalik pa ang mga panahon na ikaw ay akin pa. Umaasa na sana, sana pwede pa.

Tama na

Paulet ulet na lamang sa umaga, tanghali, hapon, gabi ikaw ang dalangin. Walang ibang nasa isip kundi kamusta ka? Nasan ka? Kumain ka na ba?…..Masaya ka ba?

Paulet ulet na lamang ikaw ang laman ng utak, puso at ng luha. Walang ibang ginawa kundi humandusay sa kawalan, umiyak na para bang ang bawat patak ng luha ay maibabalik ang bawat segundo na kasama ka, pero oo nakakatawa, para akong tanga.

Paulet ulet na lamang. Hapdi, sakit, pagod, dalamhati. Sinasaktan ang sarili. Bakit nga ba hindi ko nalang tanggapin ang kasulukuyan?

Paulet ulet nalang, kailan nga ba? Matatapos ang lahat ng ‘to. Makalimutan ang mga tanginang alala na hindi na kailanman maibabalik pa.

Paulet ulet na lang pinaaalahanan ang sarili na tama na. Tapos na, ang dati’y mananatiling dati. At ang nakaraan ay isa na lamang masayang larawan. Ang sumpaan ay mawawalan ng kabuluhan. Ang noon ay itapon. Kalimutan.

Tama na. Wala na siya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s