Tulog na

Ang sarap matulog, pansamanatala kang namamatay. Hinehele ng kabilang daigdig. Pinapaniwalang ang mga bagay na imposible ay posible. Mga panaginip na sana ay totoo na lamang. Mga unan na tila ulap hindi basa, malambot.

Ang sarap matulog, pansamantalang napuputol ang isang araw na puno ng sakit, hapdi, lungkot, pagod. Dinuduyan ka sa isang lugar kung saan puro saya, tuwa, at pahinga ang iyong nararanasan.

Ang sarap matulog. Pansamatalang napapawi ang sakit ng mga ala-ala. Lumulutang sa lugar kung saan hindi mo nakikita, kung saan wala na siya at tanggap mo na.

Ang sarap matulog. Pansamantalang inilalayo ka sa mundo na hindi mo ginusto. Tila para kang nasa ibang dimensiyo, naglalaro. Tumatawa, nagsasaya.

Ang sarap matulog. Pansamantala mong kinakalimutan ang mga masasayang larawan. Hindi mo nakikita dahil nakapikit ka. Tanging himbing at presko lamang ang nadarama. Malabo ang iyong larawan, pero tama lang.

Ang sarap daw matulog,

Pansamantala.

 Sino may sabing masarap ang matulog kung kinabukasan ay gigising ka. Gigising sa isang bangungot na ikaw mismo ang gumawa. Haharapin ang araw kahit durog na durog na. Gagawin ang mga bagay na sinusuka mo na… Hihintayin matapos ang panibagong araw na dumagdag sa sakit na iyong nadarama. pansamantala.

Kahit kailan hindi naging masaya at masarap ang PANSAMANTALA.

Tulog na?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s