7 Stereotypes that I hate most

“Estereotipo”

Minsan mo na bang naisip na bakit sa tuwing nakakakita tayo ng ipis o lamok, langgam o kung ano mang insekto, gusto na nating patayin kahit padating palang sila. Parang sa application sa buhay, nakikita palang natin jina- judge na.

Bakit nga ba may stereotyping? May iilang rason kung bakit nga ba tayo nag i-stereotype Una, ay dahil sa ating mga magulang. Naalala mo ba yung mga panahon na si nanay, mama, mom, ina, o si sally ay nagsabing “kapag naglaro ka sa arawan magkakakuto ka” or yung “kapag hindi ka kumain, kukunin ka ni *insert mumu na naembento niya” or yung “masamang tao yan. Don’t talk to strangers!” Pangalawa! Ayon sa cognitive psychology “People like to, want to, need to categorize the world, both the social and physical world” sa gantong paraan kase na sa-satisfy ng pag i-istereotype ang paningin at mga hinala natin sa kung ano nga ba ang mundo. Isa pa, common na sa mga tao ang pagiging bias. At ang pinakahuli! Dahil tayo ay “somehow may pag ka tanga” (aminin pls) madalas kung anong tingin ng iba o nakagawian na, yun na ang tingin natin sa lahat.  

Heto ang iilan sa mga “stereotype” na ayokong-ayoko naririnig mula sa mga bibig ng tao.

 

  1. The “Only child yan eh, kaya spoiled”

Unang una sa lahat ay eto. Oo naiinis ako sa mga taong akala eh kapag only child spoiled na agad. Oo sige, sabihin na natin “usually” ang mga only child ang mga bratenella, mga matataray, mga matapobre, mga mayayabang o kung ano man. Sila daw yung mga taong sunod sa gusto lage, unica hija/hijo. Mga batang nabibili ang buong sm at instagram shops, mga batang maglulumpasay kapag wala siyang bagong phone kada taon, batang nasa kanya na ang lahat. Hindi ko alam, pero sa totoo lang, kadalasan yung mga kakilala kong only child sila pa yung taong maunawain, mabait, masarap kasama, mapagbigay at palatawa. Sila yung mga taong kahit alam kong lonely ay nagagawang maging masaya at mapagpasalamat sa mga magulang nila. Sila pa nga usually yung kuntento na sa buhay, na kahit madalas sila magisa sa tahanan, may nanay at tatay na nasa tabi nila. Hindi “lahat” ay spoiled. Depende na siguro yan sa kinalakihan.

  1. Party goer, umiinom. Walang direksyon ang buhay.

Kapag nag pa party bad girl/boy na agad? Kapag umiinom, patapon na? Eto yung stereotype na malimit kung marinig sa mga kapwa ko kolehiyo na hindi ata alam ang salitang “chill” at “fun” madalas ang mga nagsasabe nito ay yung mga taong hmm pano ba “pabebe?” na binibigyan ng isang buong kahulugan yung mga kapwa nila na madalas sa labas. Totoo nga ba? Sa totoo lang (hindi ko nilalahat) yung mga kilala kong nag pa party, nag ra rave, umiinom o minsan nga nagyoyosi pa sila pa yung mga taong masarap kausap, yung bang may common sense at naiintindihan mabuti ang buhay. Sila kase yung mga taong marami ng malalim na karanasan o kung minsan problemado kaya madalas dinadaan nalang nila sa alak. Sila din usually yung mga taong napagsasabay ang mundo  ng academics at social life. Nakakaya nilang magsaya at the same time pumasa. Saludo nga ako sa mga bata na kahit madalas ko makita ang feed na nasa Moa concert grounds, ay DL(deans list) hindi naman masama uminom, as long as alam mo yung limitasyon mo. Hindi din siguro masama mag stereotype, kung talagang kilala mo yung taong hinuhusgahan mo.

  1. Nako Basketball player, mga paasa. Bolero!

Di ko alam kung lage ba tong base on experience pero madalas ko tong marinig sa mga babaeng mahahaba ang buhok na makakapal ang make up (sorry po) Kapag ba “ player” player talaga? (uulitin ko di ko nilalahat) Oo, madaming basketbolista na babaero (gwapo daw kase) pero hindi naman lahat ng varsity ay manloloko, paasa, bolero, malandi o kung ano pang gusto niyong itawag sa kanila. May mga athletes padin na seryoso sa buhay, na may pangarap at mahal ang kani-kanilang boyfriend o girlfriend. Atleta yang mga yan, may passion, may determinasyon at higit sa lahat may goal. Hindi naman lage nilang goal na maka score sa ibat ibang babae/lalake. Hindi ka basketball, volleyball, soccer ball, o kung ano mang ball para lang paglaruan. Isa kang goal na pinaghihirapan. Malay mo naman sa tamang panahon may dadating na tama para sayo. 3 points!!! Service ace!

  1. Bla *insert course here* yan kaya bobo

Dito sure ako na madaming makakarelate. I won’t mention any courses anymore. Alam kung at one point nakarinig ka ng nakakabwiset na pang lalait sa kursong tinatake mo ngayon. Na habang pinaghihirapan mo ang bawat minor at major subjects ng kurso mo dahil may pangarap ka sa buhay, heto ang mga baliw na magsasabing *insert course here* yan kase walang mapili, bobo yan, yan lang naman course niya, sus ang dali. May madali at mahirap nga ba na kurso? Siguro nga ignorante at mga walang magawa sa buhay plus nalang siguro dahil insecure sila ang magsasabing “walang kwenta ang kurso mo” dahil lahat ng kurso ay may kwenta. Mapa saang departmento man. College of science, college of liberal arts, engineering, computer science, Law, humanities, Hrm, o kung ano ano pa….lahat ng kurso ay pinaghihirapan.

  1. Sa “toot” University “LANG” yan nag aaral.

San ka napasok?

Sa ___________ University/college

Ah.

Isa sa pinaka ayaw ko na maririnig mula sa kahit sino. Hindi ko maintindihan kung bakit lahat na lamang ng bagay ay nilagyan ng label. Bakit ba hindi maintindihan ng mundo at ng mga tao na wala yan sa eskwelahan na pinapasukan. Sabihin na natin na maswerte ang iba dahil nasa maayos o mataas na Unibersidad sila, pero ang tanong garantisado ba ng Unibersidad o kolehiyo nayon ang direksyon mo sa buhay? Malimit yung mga taong nag aaral sa mga mababang paaralan ng kolehiyo pa ang mga masisipag at madalas magtagumpay with flying colors. Sila pa yung mga taong gugustuhin mo makasama dahil naiintindihan nila ang sitwasyon ng bansang ating tinitirahan. Sila yung mga taong makaranasan. Sila din yung mga taong hindi mapanghusga. Nakakainis kapag ni “la lang” ang Unibersidad na kanya kanya nating pinapasukan, para bang alikabok lamang. Para sakin, wala naman yan sa estado, nasa grado. Nasayo. Nasa kung paano mo nasimulan at tatapusin na may maipagyayabang.

  1. Bakit wala ka pading Boyfriend? Lesbian ka?

I know a lot of girls will react on this. “SINGLE?! But why” Oo malimit ko marinig ang mga katagang to sa mga babaeng may jowa. May kalandian, malandi. lumalandi, lalandi, nabuhay na malandi. Basta malandi.

Hindi ko alam kung bakit big deal sa society na to ang  magka boyfriend kahit hindi ka pa naman talaga tunay na handa. Ano, display? Pang instagram? Pang fb (para in a relationship with *insert boy from kanto here* pang twitter na “I love you mahal tulog ka na bukas mahal padin kita *insert kiss emoji and more* kung sa social media kayang kaya mo siya ilabas, bakit hindi mo siya ipakilala sa tahanan mo sa harap ng dalawang taong bumuhay sayo? Tapos tatanungin moko kung bakit wala pakong boyfriend? Eh ikaw nga hindi mo magawang maglakas loob. (omg ano pinaglalaban ko) the point is hindi ibig sabihin na dahil single ako since birth eh lesbian na ako. Hindi ba pwedeng im saving myself for the right one or im waiting for someone who would actually love all my flaws (oo cliché pero bakit ba?) kung tutuusin nga, minsan yung mga single sila pa yung “magaganda” (sorry nap o girls) Hindi naman siguro masamang magantay ng tamang panahon kaysa magsisi ng maaga.

And lastly

  1. Gwapo, matangkad, mabango. Ay bading yan

Kuwawa naman ang mga lalake. Sabi pa nga ng iba “MATABA NALANG ANG STRAIGHT” hindi ko na siguro kailangan I elaborate ‘to. Obvious na obvious to lalo na sa society na meron tayo. Gusto ko na lamang sabihin na…… May gwapo pading straight. Tiwala lang!

Iilan lamang sa mga stereotype na maririnig mo san ka man pumunta. Mga bagay na minsan nakakainis na.  Pero dahil nakagawian na at binibigkas ng iba, heto ang iilan, nakikisabay pa.

Siguro nga kasalanan din ng nakaraan kung bakit ganto ang kinalabasan. Siguro nga kailangan lang Ipaghi-hiwalay ang  mga bagay bagay para hindi mahirapan. Siguro nga nabuhay tayong ignorante at kailangan ng higit at malawak na kaalaman.

Pero lahat  ng siguro ay pwede namang mapaltan. Hindi naman lahat ay ganyan.

Ikaw ba, isa ka sa kanila?

(Sa totoo lang hindi  ko nasama ang “boycut, lesbian yan” Omygod people pano kung kaya ko lang dalhin ang buhok ko na ganto? Na maganda ka/ako/siya kahit maikli ang gupit. Nasa nagdadala yan wala sa kasarian.

Advertisements

2 thoughts on “7 Stereotypes that I hate most

  1. Medyo wordy para sa isang online platform pero okay naman kulang lang ng mga visual aids. I suggest, kuha ka ng mga gif sa tumblr tas lagay mo nalang source sa credit line or kung makakaagawa ka ng sarili mo mas better. :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s