Para sayo

Para sayo,

Hindi ko alam kung bakit susulatan pa kita sa kabila ng lahat ng kagaguhan na pinaggagawa mo. Oo, nakakatawa siguro nga wala akong karapatang magalit dahil ako naman eto si tanga nagpatangay sa mga salita mong mabulalak pa sa chicharon ni aleng nena. Nakakatawa dahil naiinis ako sa isang bagay na ako din naman ang gumawa, para akong gaga. Nakakatawa dahil iniisip padin kita kahit sobrang sakit ng naidulot mo sa buhay kong una pa lamang ay sirang sira na. Nakakatawa, hindi ba’t alam mo naman ang buong storya, pero bakit pinili mo pang dagdagan ang dalamhati’t sakit na nadarama? Gusto mo na ba talaga akong mapariwara, magpatiwakal at mawala na? Ang dami kong tanong, bakit nga ba? Bakit  mo pa pinatagal ang isang bagay na alam naman natin una palang ay katarantaduhan na, bakit binigyan moko ng pagasa na may isang taong magmamahal sakin ng totoo at ipaparamdam na may halaga ako, Bakit pinabayaan mokong malulong sa mga bagay na akala ko posible, mga salita mong pinanghawakan ko na akala ko may isang taong tanggap ako kahit ganto ako. Na kahit wasak na wasak ako, na kahit lahat ng gusto ko hindi pwede, na kahit paulet ulet nakong tinataboy ng mundo, na kahit sinusuka ko na ang sarili ko nandiyan ka, nandiyan ka para intindihin ako, nandiyan ka tanggap ang pagiging miserable ko. Nandiyan ka, mamahalin ang isang tulad ko.

Sa araw araw na maaalala ko ikaw, Titingin ako sa langit, at magtatanong, bakit nagkaganto?

Sa araw araw na iisipin ko ang mga salitang binanggit mo at ang mga pangako mo na balang araw sabi mo’y tutuparin natin, tatanungin ko ang mundo, bakit nagkaganto?

Sa araw araw na iisipin ko ang lahat ng masasayang panahon na kausap ka, na kasama ka, na kapiling ka, yuyuko at luluha, tatanungin ang sarili, bakit nagkaganto?

Sa araw araw na maaalala ko ang lahat lahat, kusa na lamang lalabas sa mga bibig ko, bakit nagkaganto?

Bakit nga ba nagkaganto?

Kapag babalikan ko yung araw na una kitang nakilala nakakatawa, para akong isa sa mga dalaga at ikaw si binata na bigla na lamang nagtagpo ng hindi inaasahan. Parang kwento ng iilan. Na akala ko noong una’y imposible. Totoo.

Kapag maaalala ko ang mga maliliit na bagay na sanhi ng pagkayamot at pagkunot ng noo mo, nakakatawa, gustong gusto ko ang reaksyon ng mga mukang hinding hindi ako magsasawa. Na akala ko noong una’y nakakainis, hindi. Ang saya saya

Kapag naiisip ko lahat ng panahon kung saan dumulong ako sayo para umiyak at heto ikaw bukas palad na binigay ang sarili para angkinin ang lahat ng sakit na nadarama, mapasaya lamang sinisinta. Maglaho ang lungkot, at mapayapa. Na akala ko dati magisa lang ako iiyak, ngayon hindi na. Nandiyan ka.

Kapag naiisip ko kung paano  mo nabago ang isang kagaya ko, na kung noo’y galit ako sa mundo, sa sarili ko, at ngayong iwan mo ako, magbabalik ang dating ako. Tangina.

pero

Sa huling pagkakataon pakinggan mo sana ako, sa huling liham na ‘to, sa huling bagay na gagawin ko para sayo.

Patatawarin kita kahit hindi mo hilingin ang patawad ko. Iintindihin ko lahat  ng bagay o rason, o kung ano mang dahilan bakit nagawa mo sakin ‘to. Iiwan ko ang nakaraan kasabay ng pagiwan mo, ituturing kung parte ng noon ang mga bagay na pinahalagahan ko ng sobra, dahil ano pa nga bang? Saysay? Dahilan? Kung wala ka na.

Patatawarin kita at sana mapatawad mo din ako sa ano mang bagay na maaaring pagkukulang ko o kung bakit napagdesisyonan mong iwan ako at ganito,

Patatawarin kita sa isang bagay na iisipin kong hindi mo sinasadya o di kaya naman baka nga hindi lang talaga pwedeng “tayo”

Patatawarin kita dahil alam kong may taong dadating sa buhay ko na hindi kagaya mo, higit sayo, at sana pagdating niya… napatawad ko nadin ang sarili ko.

At sa pagtatapos ng liham na ‘to, sasabihin ko padin ang mga katagang to, mahal, sana ang mahal na mahal ay maging minahal kita. Ayokong makulong sa ala ala ng isang bagay na tapos na. Ikaw at ako, ay wala na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s