Sining

 Mula sa isang tambiolo hinugot ang buhay
Ang bawat kisap ng mata, pintig ng puso’t buntong-hininga
Sa bawat oras, minuto o segundo
Unti-unting humuhulagpos ang init ng katawan

Mula sa sumusulak na damdamin
Ang hinagpis ng bunganga ay selyado ng maling sistema
babala ng damdamin, ngumingitngit sa gilid
mistulang isang estranghera na walang patutunguhan

Makulay na mundo sa iba,
Sa aki’y puno ng itim na tinta,
Rumaragasang damdamin ng galak,
Isa lamang matinding bagabag.

Masukal na daang pinasok,
Isang ilaw ang nagsisilbing gabay
Napupundi kada tatlumpung segundo
ramdam ang nakaambang pangil sa kaliwa’t-kanan

Sa aking paglabag ng damdamin
saglit humiwalay ang dagil
Hinanap ang halimuyak ng gumamela
Isang ganap na rebolusyonaryo sa maliit kong mundo

Naaalala mo pa ba?
Dito lahat nagsimula.
Kung saan ang maingay na mundo’y tumahimik
nang ika’y nagsalita
Panandaliang kumalas ang isip sa kawalan
Patungo sa’yo

Hindi maiwasang magtaka ng puso kong tila
ngayon lamang nakadama ng init
na hindi nagmula sa upos na hinithit at binuga
Ang iyong mga pangamba na pilit pinapalitan ng ngiti
Pumapawi, bumabalot
sa lamig ng mundong unti-unting pinapaso ng apoy ng gunita

Kahit ilang beses ulitin
Hindi mabura ang pighati
kapag naghihiwalay ang tingin nating dalawa
Bakit nga ba talamak ang kasakiman sa mundo
Na tila pati lahat ng sakit inaangkin ko

Sinubukang pagtagpuin ang magkabiyak na daan
Ang aspaltong hinalo’t pinatag ngayo’y dinaranas ang bigat
ng bawat yapak na kinaskas, dinabog at diniin sa kanya

Tiniis at dinala ang bawat hinagpis kapalit ng kaunting saya

Hindi lang pinasok ngunit sinisid mo ang bawat silid
kung saan nakahimlay ang mga lihim na pangamba
Bawat pinto ay nag-aanyayang pulutin
ang pira-pirasong tanda na minsa’y ito ay buo pa

Napadalas ang pagbisita sa lugar na nababalot ng kadiliman
Sinubukan intindihin ang bawat larawan
Sinubukan damhin ang karimlan
Sinubukan pigilan ang paghithit
Binuga at binasura ang dala dalang pasan
Mga salita, mga letra,
Panulat ko at diwa.
Ngayo’y nagkaisa

Pusong nagpipilit Bakit tila naka pihit.
Kung kelan nasimulan, bakit biglang lumisan
Pinasok na ang kaibuturan
Inakyat ang tugatog
Kahit masukal ang daan
Kahit agiw lang ang nadatnan
Bumalik sa nakaraan at pilit inaapuhap ang kasagutan

Sa pangalawang beses na pag bagtas ng daanan
Pagbalik sa lugar
Nagbasakali at anaki binabanaag ang bawat sulok’t pinto
Kasabay ng agam agam na hindi magtugma ang susi at kandado
At pagbukas, mga mata’y nakatitig sa espasyo
nabatid na eto pala’y gumuho.
Naglaho.

Mula sa isang tambiolo
Hinugot ang buhay
Ang bawat kisap ng mata
Pintig ng puso’t buntong hininga
Sa bawat oras, minute o Segundo
Unti unti…

Gumughit na tila kaakit akit
Ang sinusulat ay tumatakip
Malalim na kalungkutan
Maaliwalas na paligid
Patiwarik na daigidig
Humuhulapos ang init ng katawan..

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s