Shift 

  
Isa dalawa tatlo apat.. lima

Limang taon sa kolehiyo. 

Isa, dalwa palang ayoko na

Tatlo, apat, lima? Haha 

Ang hirap. Ang hirap gumising sa umaga, lalo na kapag sama sama. Punong puno, nag uumapaw at hindi na makaya ang damdamin na tila nagiinaso, umaapoy at nagniningas sa sakit, sa kaguluhan, sa takot. Hindi ko na nga alam kung minsan bakit bumabangon pa. Ano nga bang saysay kung mismong sarili’y bilanggo ng kahapon at ng pangarap na tila nadurog at binaon? 

“ma ayoko na” paulet ulet binabanggit sa utak ko ang tatlong salita na hindi ko kayang aktwal na bigkasin. Parati na lamang may “pero” “paano” at “Ta*g*na natatakot ako” takot ako, takot ako sa magiging reaksyon ni mama, ni papa, ni ate, ni kuya. Takot akong malaman ang mga sasabihin nila, ang mga salitang baka hindi ko makaya, ang mga bagay na ayoko na lamang marinig pa… at ang pagkadismaya. Oo ang pagkadismaya. 

Akala ko nung una kaya ko, akala ko nung umpisa, eto na to, na lahat naman ng bagay ay natututunan, napag aaralan. Akala ko para sakin to. Dumating ako sa puntong napaisip sa buhay’t sitwasyon na meron ako, tinanong ang saril “eto ba talaga ang gusto ko?” nagtiyaga ako, pinagsipagan ang isang bagay na hindi ako sigurado. At sa huli…. nabigo ako, nabigo ako ng paulet ulet. Tila kapatid na nga ang pag katalo. Pero Pinalampas ko, pinalampas ko ang mga pagkakamali, sinubukan ko muli. At sa pangalawang pagkakataon… teka, pinaglalaruan na ba ako ng mundo? 

“Hindi ko na to gusto” paulet ulet isinisigaw ng puso ko ang mga salitang ‘to. Madalas ay kinikimkim ko na lamang hanggang sumabog ako. Parati na lamang “tanga” “bakit?” “huli na. huli na ba ang lahat?” may tiyansa pa bang balikan ang nakaraan? Itama ang mali at lumakad sa tamang daan? Hubugin ang sarili sa bagay na dapat, sa bagay na nais, sa bagay na gusto ko. Huli? Huli naba ang lahat? 

“Ma, naiintindihan mo ba ako?” ang hirap gumising sa umaga na dala dala ang hapdi na nadarama. Para bang may sugat sa loob ng katawan na hindi na naghilom, nagna-nana pa. 

“Ma, pagod na ako” pagod na akong pilitin ang sarili sa isang bagay na sinusuka ko na. pagod na akong gawin ang isang bagay na hindi ko naman talaga ginusto. Oo, nagkamali ako. Oo tanga ako pero… ma, tao lang ako, mapapatawad mo pa ba ako? 

“ma, gusto ko ng mag shift”

Sinisisi ko ang sarili. Sa pagpili, sa pagdesisyon, at sa pagtahak. Pilit ko ng pinagsisiksikan ang sarili sa bagay na patuloy akong niluluwa. 

Kailan ako maiintindihan ng mundo? Kalian ako babangon mula sa kahapon? Kailan ko magagawa ang mga bagay na gusto ko? Kailan ko makakamit ang pangarap na naglaho? Kailan ako magiging Masaya, kailan mawawala ang sakit sa dibdib na araw araw na lamang nadarama. 

“ma, papayag ka ba?”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s