Lumaya ka 


Sigurado ako na isa o higit sa mga taong nandito ngayon ay mayroong masamang nakaraan

Sa loob ng tatlong daan at anim na put limang araw nung nakaraang taon, minsan mo ding nasabeng “sana hindi nalang ako nabuhay”

Sinisi mo ang langit at lupa

Sinisi mo ang mundo

Sinisi mo ang maliliit na bato sa kalsada

Ang mga agiw sa diding

Sinisi mo ang mabagal na internet ng globe, pldt, o kahit ang mobile data

Sinisi mo ang trapiko

Sinisi mo siya… at

Sinisi mo ang sarili mo

Pero kaibigan, nandito ako para sabihin sayo ngayon, huminga ka ng malalim,

Pakawalan mo ang mga bagay na to, bago ka lamunin nito
Hindi ko sinasabeng pakawalan mo ang lahat ng maliliit na parte ng dahilan ng sakit, ng hapdi, o kahit ng mga basurang pakiramdam, mga bagay na sumisiksik kaliwa’t kanan sa pusong balisat tuliro,

Dahil kahit kailan hindi mo makakalimutan ang mga memorya

Dahil ang memorya ay parte na ng pagkatao mo

Oo hindi madali itong pinapagawa ko sayo

Dahil eto ang sakit ng nakaraan

Ang nakaraan ang dahilan kung bakit may ngayon

Ang nakaraan ang dahilan kung bakit tuloy tuloy padin ang buhay

Ang nakaraan ang anino ng kahapon

At hindi mo to matatakasan, patuloy ka lang nitong susundan.

Sa bawat sinag ng araw sa umaga, sa bawat ilaw ng bitwin sa gabi

Sa bawat hiwa ng karanasan na hindi mo malimutan, sa bawat sugat at peklat na iniwan..

Mararamdaman at mararamdaman mo ang sakit,

Ngunit eto ang hiling ko, bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo

H’wag mong hilahin ang bigat ng patay na pasanin sa bawat sulok ng bawat karanasan

Dahil hindi ka makakabangon kung mananatili kang barado sa isang lugar habang buhat buhat ang Bigat na bagahe na patuloy na kumakain sa iyong imahe

Lumaya ka.

Mga memorya kagaya ng huli niyang yakap, pagkahulog sa kawalan, mga wasak na pangarap, mga maling desisyon. Oo, mahirap kalimutan ang taong iiwan ka din lang, masakit isipin na hindi para sa iyo ang isang bagay na pinaghirapan mo, mahirap magpakatanga at magkamali. Pero lahat ng to mananatili dito… At gusto kong pasalamatan mo ang sarili mo dahil higit ka sa memorya, higit ka sa bawat pagkakataon. Dahil hindi ikaw ang ikaw kung hindi dahil sa serye ng mga pangyayare na sinundan ng iyong yapak mula sa nakaraan… patungo sa kinabukasan

Yakapin mo ang sakit, dahil eto lang ang makapag papalaya at makapagbibigay pagasa, yakapin mo ang sakit kung paanong kapag niyayakap mo siya, ramdam mo ang saya..

Lumaya ka

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s